Chapter 11: Normal day, I guess?
--- ᕕ( ᐛ )ᕗ
Seraphina's POV
"Saang club ka sasali Seri?"
"Can the both of you stop repeating what you just said seconds ago, huh can you do that for a minute?"
Ayaw kasi akong tigilan ng dalawa toh, simula sa dorm hanggang dito sa cafeteria at habang nag-aalmusal ay kinukulit pa rin nila ako kung saang club ako sasali
"Ngayon na kasi yung araw na kailangan nating mamili ng club na sasalihan natin"
"Sinabing ayaw ko ngang sumali, ang kulit nyong dalawa"
Bulyaw ko kay nina Hannah at Minzee pero parang wala lang sa kanila iyun
Jeez! Mas makulit pa sila kesa kay Parker
"Sa arts club ako sasali"
Rinig kong sabi ni Hannah
"Siguro sa music club nalang ako sasali"
Sabi naman ni Minzee
"Music club? Bakit naman?"
"Para mahasa yung pagtugtog ko ng violin, hindi ko pa kasi masyadong gamay yun eh"
"Nice! Eh ikaw naman Aden? Saang club ka sasali?"
Tanong ni Hannah kay Parker na balak na sanang isubo yung kanin na nasa kutsara nya pero napatigil
"I don't know. Whatever club Seraphina will join"
Sagot nitong katabi ko dahilan para mapataas ang kilay ko
"Sabi nya wala raw syang sasalihan eh?"
"Pero bawal yun, kailangan daw may club na sasalihan lahat ng estudyante"
"Oo nga, kasi kailangan lahat ng estudyante dito ay mahasa ang mga talento nila"
"Meron namang ice skating club, taekwondo, archery, fencing, swimming, soccer, aerobics at madami pang iba!"
Rinig ko pang sabi nila kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatayo dahilan para magulat sila pati na rin ang mga kalapit naming estudyante
"Just stop asking me because I don't have a goddamn talent!"
Sigaw ko sa kanila at padabog na lumabas ng cafeteria, nakita ko namang sinundan ako ni Parker na nakatahimik lang at mukhang hindi pa tapos sa kinakain nya
Nakaka-inis lang na pinagpipilitan talaga nilang sumali ako sa kahit anong club
I'm not like my siblings, I don't have any talent.
"We should go to the classroom, it's already 7 in the morning"
Sabi ni Parker at habang naghihintay sa elevator ay may nakita akong isang pamilyar na tao, at mukhang may pinamimigay syang flyers kaya agad ko syang nilapitan
"Journalism club! Sali na kayo sa club namin! Journalism club! Sali na ka-- Huy! Seraphina! Ethan!"
Mukhang nakita rin naman nya kami
"I told you, it's Aden not Ethan"
Sabi nitong kasama ko pero hindi lang sya pinansin nitong isa
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]