Chapter 35

270 17 0
                                    

Chapter thirty-five: Photo strip

---

Lincoln's POV

"Break daw pero may project"

Nagpalumbaba nalang ako at napasimangot, kasi naman kung break toh dapat walang ipapagawa, bakit pa tinawag na break diba?

Agad ko namang napansin si Sharlenne na busy sa kuko niya kaya agad ko siyang nilapitan.

"Sharlenne, partner tayo?"

Sinalubong niya naman ako ng matalim niyang tingin, ang ganda talaga ng mata niya lalo na kapag ganiyan niya ako tignan.

"Don't gulo me nga, why don't you hanap ng ibang partner dun"

Inis niyang sabi kaya napakamot nalang ako sa ulo, narinig ko kanina na partner na ni Yugen si Minzee, si Nico kaya?

Nakita ko naman siya na kausap si Seri kaya balak ko na sana silang lapitan nang marinig kong nagtatalo nanaman sila.

"Bakit parang simula nung carnival iniiwasan mo na ako?"

"You're just imagining things, now get lost"

Ayan nanaman sila, napa-iling nalang ako dahil nag-aaway nanaman sila, pero bakit parang ang seryoso ng away nila?

Maghahanap na sana ako ng bagong partner pero napaigtad ako nang biglang sumigaw si Nico.

"Ano bang problema mo?!"

Nakita kong balak niyang sumampa sa lamesa at parang susugurin si Seri kaya agad ko siyang pinigilan, gagi nalingat lang ako saglit?

"I'm getting irritated by your presence"

Sagot naman ni Seri, mukhang naalarma na rin si pareng Aden nang sumampa na rin si Seri sa lamesa kaya pinipigilan siya nila Hannah. Lumapit na rin si Yugen nang mapansin yung nangyayari.

"Napipikon na rin ako sa'yo kaya it's a pie"

Bahagya kong siniko si Nico kaya inis siyang napalingon sa akin.

"It's a tie yun tanga"

Sagot ko sa kaniya pero binalik niya rin agad kay Seri yung tingin.

Sinusubukan kong pigilan si Nico at mabuti naman at nagpapapigil siya, parang wala talaga siyang balak sugurin si Seri sadyang trip niya lang magwala.

Ano bang nangyari sa dalawang toh? Kala ko naman nagbibiruan lang sila

"Tumigil nga kayong dalawa, kukutusan ko kayo"

Pati si pareng Mason nakiki-awat na rin

"Oy, president ka lang sa club pero hindi ka president sa klase"

Sabi ni Lex na kasunod niya. Aba loko toh ah naggawa pang kumain ng popcorn, kung hindi ko lang pinipigilan tong si Nico baka nakikain na rin ako sa kaniya.

Napansin ko na bumaba na si Seri sa lamesa kaya natigil sa pagwawala si Nico, hindi ko alam kung ako lang yung nakapansin pero habang pababa si Seri sa lamesa ay parang sinubukan siyang alalayan ni Nico, o baka guni guni ko lang 'yun?

"Paano kung mauntog ka? Pero sige ipatama mo utak mo para makita natin kung meron"

Sabi ni Nico pero parang pabulong lang yun, pansin kong medyo kumalma na rin siya

"You're lecturing me when you're the first one who stand on the table, tsk"

Pabulong din na sagot ni Seri, mukhang hindi naririnig ng iba yung bulungan nila pero dahil malapit ako ay naririnig ko.

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon