Chapter 9

1K 34 1
                                    

Chapter 9: Second day, Wreck end day

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Seri!"

Hmm?

"Seraphina!"

Tsk, too noisy

"Seri! Gising na!"

Si Jazel nanaman ba yan at nangbubulabog ng ganitong kaaga?

"Gising na!"

Pero parang hindi naman sya yun dahil boses ng isang babae ang naririnig ko

Lalo ako nagulat nang may kung ano ang tumalon sa mukha ko at ng tignan ko ay si Lilypop lang pala, at mukhang nagising din sya dahil sa ingay

Jeez give me a break

Padabog akong bumangon ng kama at tinignan ang oras

5:12am

Who the hell in their right mind to make a ruckus this early?

Padabog akong pumunta sa pinto at agad itong binuksan. Bumungad sa akin si Hannah na napakalaki ng ngiti sa mukha nya

Tinabig ko naman si Lilypop gamit ang isa kong paa papasok sa loob nang makita kong sisilipin nya rin sa pinto kung sino yung kumakatok at mukhang napalakas iyun dahil nagpagulong gulong sya sa sahig, hindi sya pwedeng makita ni Hannah paniguradong isusumbong nya ako

"Hannah do you have any idea what time--"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng ma iabot sya sa akin ang isang paper bag na may nakalagay na "KL" at "Hamilton"

"Ano toh?"

"Yan ang bagong uniform mo! Excited na ako!"

Excited?

"Excited for what? Ako ang magsusuot at hindi ikaw"

Hindi ko na napigilang maging sarcastic dahil sirang sira talaga ang tulog ko dahil sa kanya

"Bukod kasi sa bago ang uniform ngayon, excited din ako kasi pare-parehas na tayo nina Minzee ng suot!"

Sabi nya habang naka-taas pa ang mga kamay sa ere

Seriously? Eh halos lahat ng estudyante dito sa Kalopsia Lunette ay kaparehas namin ng suot

Nakita ko pang pumunta sya sa tapat ng pintuan ni Minzee para mangbulabog-- I mean para iabot din ang uniform nya

Hindi pala sya nagbibiro nung sinabi nyang bubulabugin nya kami

Ala una na nga ng madaling araw bago ako nakatulog tapos gigisingin pa ako ng ganito kaaga?

Binato ko nalang sa sahig yung uniform at nahiga ulit sa kama, ganun din naman si Lilypop pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ako makatulog

Tsk

Kaya wala nalang akong nagawa kung hindi kunin ulit ang uniform na nasa sahig

Hindi ko napansin na natabig ko ang pusa na balak na ulit sanang matulog, kaya nahulog sya sa sahig at nag-ingay sya na parang inis na inis sya

"Jeez, it was accident Lilypop"

Naglakad naman sya papunta sa ilalim ng kama at doon nya ata balak na matulog para walang makaistorbo sa kanya

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon