Chapter 44

152 7 0
                                    

Chapter forty-four: Drained

---

Seraphina's POV

"Tara labas tayo, bilhan ka ni kuya ng mga gusto mong bilhin"

"Anong gusto mong kainin? Pagluluto ka ni kuya, masamang nagpapalipas ng gutom"

"Nasaktan ka ba? Alam mo naman ang bilin palagi sa'yo ng kuya, lagi kang mag-iingat"

"Nandito lagi si kuya para sa'yo"

Mabilis akong napabangon habang habol ang hininga ko, napatingin ako sa orasan at doon ko napansin na alas sais palang ng umaga.

I'm having that kind of dreams again, I hate to refer to it as nightmares because it's still one of my precious moments with him

Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil bumabalik nanaman yung mga ala-alang matagal ko ng pilit binabaon.

I used to call him when I'm having a bad dreams, now he's the one starring in that dreams

Walang gana akong bumangon para makapag ayos na, saktong paglabas ko naman ng kwarto ay nakasalubong ko si Thomzel

"Good morning lil sis"

As always ay masigla niyang bati, pero hindi ko lang siya pinansin at nag-tuloy tuloy papuntang dining room.

Out of all people he's the I run in to this early in the morning

"Okay goodmorning din sakin, alam ko naman na nahihiya ka lang bumati"

Hindi ko namalayan na sinabayan niya na pala ako sa paglalakad, pero hindi ko pa rin siya kinakausap o tinitignan man lang.

I don't want to see that face of him

Narating naman agad namin ang dining area at nakakapag takang kami palang ang nauna rito, hindi ko na siya hinintay pa at nauna nang maupo. Pero sa dinami dami ng bakanteng upuan ay sa harapan ko pa talaga niya napiling naupo

"Nawalan ako ng gana"

I coldy said as I got up from my seat.

"Hindi ka kakain ng almusal? Masamang nalilipasan ng gutom"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya

Just stop talking already

"May injury ka pa naman, kailangan mo ng lakas para gumaling. Sa susunod nating missions mag-ingat ka nalang"

Agad akong napatakip sa tenga ko, hindi ko alam pero parang bigla ako nahirapang huminga

Stop it

"Ayaw mo ba ng mga pagkain dito? Gusto mo ba bili nalang kita sa labas? Ano bang gusto mo?"

"I said stop talking!"

Kita ko naman ang pagka-gulat niya dahil sa biglang pagsigaw ko, bakit ba ang kulit niya?

"Can't you just... stop"

Habol hininga kong sabi habang nagtataka pa rin siyang nakatingin sa akin, hindi ko namalayan na mula sa kabilang bahagi ng mesa ay napunta na siya rito sa harapan ko

"Anong stop? Nag-aalala lang naman ako sa'yo lil sis"

"Then stop caring"

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon