Epilogue
Ng makapalapag na muli sila sa lupa, agad isinigaw ni Haru ang pangalan ni Yume at niyakap ito. Samantalang si Fierce naman ay tila nawala na sa katinuan.
Umiiyak si Haru habang yakap-yakap si Yume.
"B-Bakit mo ginawa yun? I deserve that pain! I should be.. the one who's in v-vain now." Muling humagulgol si Haru.
"Bakit mo kinailangang humarang? Bakit? Malakas naman ako. O-Okay lang sakin ang matamaan. Y-Yume.." Hinaplos-haplos lang ni Yume ang mukha ni Haru.
"Once na ang tulad natin ay masaksak sa puso, we could die. It's the only way we could die. And I want you to live, you've sacrificed enough."
"At sa tingin mo gusto ko ring mawala ka? Look, we have just the same thought. I want you to live too. We still have lots of dreams together. Andami pa nating gustong gawin. We can't just end up here. Please don't." Pagmamakaawa ni Haru.
"Haru.."
"Please, not yet. I didn't expect.." Bigla nalang yumanig ang lupa, at unti-unti na silang bumabalik sa realidad.
"May pag-asa pa." Sambit ni Fierce. Napatingin nalang sakanya si Haru.
"I-I can sacrifice my heart for her. We don't have enough time. My heart must be transferred to her before her heart stops beating." Nagulat si Haru sa sinabi ni Fierce.
"S-Sigurado ka?" Di makapaniwalang tanong ni Haru.
"GUSTO MO SIYANG MABUHAY DIBA?! PWES SUMUNOD KA NALANG SAKIN. PATAPON NADIN ANG BUHAY KO DAHIL TANGGAP KONG TALO NA AKO SA LABAN NA 'TO." Lumakas lalo ang pagyanig ng lupa.
"Babalik na tayo. Mawawasak na ang dimensyong ito." Dagdag pa ni Fierce. At nagcast sya ng circle.
Mula sa patay na puno, lumabas sila mula doon. Lahat pala ng mga kawal ng Hari at sila Chance ay nandoon na mismo sa harap ng puno. Lahat ay naalerto sa pagdating nila, lalo na nung makita nila si Fierce.
Magca-cast na sana si Fierce ng convertion spell, ng magsalita si Yume.
"I know you have a good heart deep inside. Nung mga oras na nagpapakita at nagpaparamdam ka sakin, alam kong malungkot ka. W-wag kang mag-alala.. Pagkat ligtas na ang iyong ama. Wala na siyang s-sakit. Naiintindihan ko kung b-bakit ka..umabot sa ganito.." Natahimik si Fierce.
"N-nagmahal ka..lang n-naman." At bigla nalang umubo si Yume. Ngumiti si Fierce sakanya, ng walang bahid ng hinanakit. Masaya sya, dahil kahit papano ay nailigtas ang taong natitira nalang sakanyaㅡang kanyang ama.
"Sasabihin ko na ito, sa huling pagkakataon." Sabi ni Fierce.
"Mahal na mahal kita. At masaya akong sayo mapupunta ang puso ko." Sabi nya saka hinalikan sa noo si Yume.
Biglang napalibutan si Fierce ng mga kulay dark violet na letrang hindi nila maintindihan. Pa-spiral itong nakapalibot sakanya. Pumikit sya at mukhang nagcha-chant na ng spell.
"βζυξθα χφτξ."
Ngayon ay nasa loob sila ng isang kulay puting bilog. At kitang-kita nila Haru kung pano nagpalit ng puso sila Yume at Fierce. Pagkatapos nun ay isang malakas na hangin ang kumawala.
Biglang napabangon si Yume at napasinghap ng hangin. Agad naman siyang inalalayan ni Haru. Samantalang si Fierce ay umuubo ng dugo. Nagkaroon din ng blood stains ang damit nya sa bandang dibdida. Palatandaan na nasa kanya ang puso ni Yume, na inako nya ang kamatayan nito.
Nagulat ang lahat ng niyakap ni Yume si Fierce.
"W-wag mo kong..k-kaawan, Yume.. I deserve t-this." Pilit na pagsasalita ni Fierce.
"Salamat parin." Sabi ni Yume.
"I'm glad.. Atleast I've been f-forgiven..I-It's in my..dreams, t-that you..hugging me. And now, I f-felt your warm e-embrace..for r-real." Napapikit nalang si Fierce. At tumulo ang luha ni Yume.
Unti-unti ng naglalaho ang katawan ni Fierce. It's slowly fading away into a tiny leaves of cherry blossoms.
"And I guess I'm between in my dreams and reality." Ang huling sinabi ni Fierce bago tuluyang naglaho ang katawan nya.
Sinalo ni Yume ang isang leaf ng cherry blossom. It's the resemblance of Fierce.
Nilapitan nalang sya ni Haru, at niyakap naman si Haru ni Yume.
"Tapos na ang laban! Nagwagi tayo!" Sigaw ng isang kawal at nagsigawan din ang iba sa tuwa.
"Sandali lang!" Napatigil ang lahat ng magsalita si Yume. Itinaas ni Yume ang isang kamay nya, at bigla nalang may lumabas na kulay gintong kidlat mula sa langit patungo sa palad nya. Parang may biglang sumabog na kuryente sa kamay ni Yume at doon lumitaw ang isang golden sceptor. Napangiti si Yume. Pagkat na-acquire nya ang ability ni Fierce na lightning.
"Muli kong bubuhayin ang lugar na'to. At mula ngayon, hindi na sya Abandoned Western Zoned, kundi isa na siyang Crescent. West Crescent." Saad ni Yume.
°°°
Ilang taon na ang nakalilipas mula sa trahedyang iyon. Ang ama ni Fierce ang inatasang maging Hari sa West Crescent.
At ngayon, malapit ng ikasal si Yume at si Haru. Kasalukuyan silang nasa 18th Memory Tree. Ang dami nilang alaalala sa punong ito.
Isinandal ni Yume ang ulo nya sa balikat ni Haru.
"I know, we're going to start again a new chapter." -Yume.
"Tama ka. Masyado na tayong maraming pinagdaanan." Sagot naman ni Haru na nakatingin lang sa ulap.
ღ Kiss me sweet I'm sleeping in sorrow~
All alone to see you tomorrow~
ღ In my dreams, I'm calling your name~
You are my love~
~*~*~THE END~*~*~
BINABASA MO ANG
Yume at Moonlight
Fantasy"They say dreams do come true.. But they forgot to mention that nightmares are dreams too.."