The Ruins of Lost Time [5/34]
Enjoy Reading!
*~*~*
{ Narration }
Kinabukasan ay maagang nagising ang Haring Keizer. Naramdaman nya naman ang basa na mula sakanyang mga mata.
"Nagpakita siya." Sambit nya sa sarili. Parang sumariwa ulit ang mga masasaya ngunit naglahong alaala nila. Muling kumirot ang puso nya.
"Mahal na mahal din kita, Ashura. Mamahalin ko ang mga anak natin, para sayo." Sabi ulit ni Keizer na para bang kausap nya lang si Ashura.
"At hindi din ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ng pagkawala mo." Pursigidong sabi ni Keizer.
°°°
Yume's POVHay. Ako na naman mag-isang maglalaro. Bakit kasi wala si Chichi. Yung bago kong personal maid.
Bahala na nga! Ako nalang pupunta mag-isa dun sa Forsaken Garden of Feathers. Dinala ko na yung mga laruan ko doon. Agad akong dumiretso at umupo sa ilalim ng puno. Walang iba kundi ang 18th Memory tree.
Ang lamig ng simoy ng hangin dito. Gusto ko sanang puntahan si Kuya Thraun kaso panigurado naman busy siguro iyon sakanyang Jinjoshu. Gusto ko din sana ang gawin ang ginagawa ni Kuya sa pagbabasa ng libro kaso hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat doon. =.=
Kaya dito nalang muna ako at maglalaro. Napabuntong hininga nalang ako sa gitna ng paglalaro.
Sana naman may kalaro ako. Wala na naman si papa. Sana nga ay matapos na ang problemang ito. At nang mahuli nadin kung sino ang gumawa nun kay mama.
°°°
Isang araw ay mag-isa na naman akong nililibot itong palasyo namin. Andito ako sa Shiruma Fountain. May portal ka munang papasukan para makapunta dito. Ang Shiruma Fountain kasi ay nasa isang malaking bitak na lupa na nakalutang sa may bandang likod ng palasyo.
Sa Shiruma Fountain ay may nakapalibot pa na mga bitak ng lupa na pa-spiral. Maliit ito na kasya lang ang isang tao.
Ang pa-spiral na bitak ng lupang 'to ay patungo sa pinakatuktok ng palasyo. Ang Iron Wall Clock. Hindi ko pa napupuntahan yun tsaka delikado. Kasi pwede akong mahulog sa bangin dito sa ilalim ng Shiruma Fountain. Mula dito ay kitang-kita ang Ryuha Mountain. Kitang-kita din ang palubog na araw dito.
Nilalaro ko ang mga slyph, wisps at pixies dito. Ang ku-kyut ng mga pixies!
Binasa pa ako ng isang pixie. Isa iyong water pixie at ginamit nya ang magic nya para mabasa ako.
Gumanti naman ako. Yung iba naman ay nakisali sa basaan namin. Ang mga wisps ay paikot-ikot para mahilo ako at tuluyang mabasa ng mga water pixies. Ang earth at wind pixies ay nakisali din.
Except sa mga fire pixies. Humihina kasi ang fire magic nila once na mabasa sila. At para din silang lalagnatin. At kung minsan ay namamatay sila.
Kaya stay put lang silang nanonood samin. Nang mapagod na ako ay umupo ako sa fountain.
"Sana magkaroon na ako ng kasama dito sa palasyo. I mean, oo nga may mga kasama naman ako pero yung hinahanap ko ay yung lagi kong napagku-kwentuhan. Kasabay kong kalaro kasama kayo. Yung napaglalabasan ko ng loob. Yung tinatawag nilang kaibigan. Gets mo, Tan-Tan?" Sabi ko sa isang earth pixie na Tan-Tan ang tawag.
"Opo! Opo! Gets na gets ko po kamahalan." Sagot ni Tan-Tan na sa harap ng mukha ko, lumilipad. Parang bell ang tunog ng boses nya.
"Wag po kayong mag-alala aming munting prinsesa. Darating din ang kaibigang sinasabi mo. Nararamdaman ko sya sa hanging dumadaan." Sabi ni Harmony na nakaupo sa balikat ko. Isang wind pixie. Para ngang isang harmony ang naririnig mo pag nagsasalita sya. Nakakagaan ng pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Yume at Moonlight
Fantasy"They say dreams do come true.. But they forgot to mention that nightmares are dreams too.."