Chapter 46: Into The Boundaries

763 29 0
                                    

Thank You!! @ImSuperRaine Wait mo lang na mai-dedic ko sayo 'tong Chap na'to. CP lang nagt-type eh. Paintindi po! :3 Lovelots~

Yume's POV

Pagkagising ko ay napansin kong nasa kwarto na pala ako. Teka, pano ako napunta dito?

Nakita ko namang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at doon bumungad sakin si Yesha.

"Ok ka na po ba, ate?" Malumanay ang boses nya. Tumango naman ako.

"A-Anong nangyari? Diba nandun lang tayo sa may tapat ng puno?" Tanong ko. Ngumiti lang sya.

"Nahimatay ka po kasi bigla nung nag-uusap tayo, I mean. Ni mama." Napangiti ako sa narinig ko. Mabuti naman.

I remembered when I talked to Yesha's mother. She visited in my dreams.

It was noon that time. At yung punong yun ay malago ang mga dahon. Nakaupo kaming dalawa sa sanga ng puno. And there she told me everything. She asked for my help.

At yun na nga, she borrowed my body to tell Yesha how she feels.

"Sina Haru?" Tanong ko ulit.

"Nasa baba po sila, kumakain." Sagot nya naman. Mas lumapit sya sakin saka pabulong na sinabing,

"Kayo po ba ni Kuya Haru?" Halos mapaubo ako sa tanong nya.

"Ano namang klaseng tanong yan, Yesha?" Napatawa naman sya sa reaction ko at napakamot ng ulo.

"Hehe. Ang sweet nyo po kasi ni Kuya Haru minsan. Sobra pa po sya mag-alala. Yiee~ ate aminin!" Tinusok tusok nya pa ang tagiliran ko dahilan para makiliti ako.

Aba talaga itong batang 'to! Ang dami ng alam!

"H-Hindi kami ng Kuya mo." Utal kong sabi.

Hindi daw, pero may kiss na ngang nangyari.

Sabi ko sa isip ko. Ah!! Go away! Friendly kiss lang yun. Ganun? May friendly kiss ba na sa lips?

Aish! Ewan. Erase! Erase!

"Hindi daw. Pero ate, seryoso. Halata namang mahal nyo ang isa't-isa eh. I just want a confirmation. So, totoo diba? Nagmamahalan kayo?" Grabe naman 'tong bata 'to makatanong. Dinaig pa si mama.

Speaking of mama, I missed them. Ang dalawang ina na kinilala ko. Ang ina ko na nagluwal sakin at ang ina na nag-alaga sakin.

"Ate? Ok ka lang?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Yesha.

"Ah, oo. May naalala lang." Palusot ko.

"So ano nga?" Napailing nalang ako.

"So, silence means yes. Anong status nyo?" Grabe na talaga 'tong batang 'to! Namumuro na eh.

"Ewan?"  Yun na lang ang naisagot ko. Di ko din alam eh. Tumawa naman ng mahina ni Yesha. Anong nakakatawa?

"Baka M.U." Sabi nya.

"Yesha! Kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig mo." Namumula na talaga ako! Grabe. >////

Tumayo naman si Yesha while laughing.

"Baba narin po kayo sa ate, para makakain na kayo." Sabi nya. Pagkatalikod nya ay narinig ko pa ang binulong nya.

"I never thought kuya would this be slow."

"I heard that!" Sigaw ko. Agad naman syang tumakbo patungo sa may pintuan. Bago sya makalabas ay nakapeace-sign nyang sinabi sakin ang,

"Sorry!" Saka sinarado na nya ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako. Kids this days. Tsk.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon