Chapter 32: Lush Petals of A Dream

729 36 0
                                    

The Ruins of Lost Time [3/32]

» Padaan Lang «
Idadaan ko nalang dito ang nararamdaman ko. Peste ang hirap magpanggap na wala lang. Kainis, buti di ako tinraydor ng luha ko. Taragis lang. Ang sakit pa ng lalamunan ko kakasigaw.
Pagpasensyahan na may pinagdadaanan lang Author nyo. Pagtanggol nyo ko please? Haha joke. Tawa kayo. :')

Enjoy Reading!

*~*~*

{ Narration }

Lahat ay nabigla at nagulat sa nangyari sa kanilang Reyna. Lahat ay nagdadalamhati sa sinapit ng Reyna. Lalo na si Haring Keizer na halos mawala na sa katinuan. Lubos nyang dinamdam ang nangyari pagkat kakasabi at nagpa-plano palang sila kung pano matutupad ang kanilang pangarap.

Pina-imbestiga iyon ng Hari sa mga magagaling na sorceress at sorcerer, mga castle guards, at Royal maids. Pina-trace ang kahit na anong bakas na pwedeng ma-trace mula sa portal na nagbukas.

Halos hindi na makakain sa tamang oras ang Hari. Minsan ay nakakalimutan na talaga nito syang dahilan ng pag-aalala ng kanyang mga tauhan sa palasyo pati nadin ang mga tao sa Moonlight Country.

Nawawalan nadin sya ng oras sa kanyang mga anak. Si Yume ay inihabilin nya muna kay Zeka. Ang Personal maid/guardian ni Yume. Si Zeka na ang laging kasa-kasama ni Yume. Si Thraun naman ay madalas nasa kwarto, o di kaya'y kinukulong ang sarili sa kanilang malaki at malawak na library with his thousand books. Bihira lang syang mahagilap ng mga tao sa palasyo na naglalakad sa hallway o sa mga pasikot-sikot na corridor sa palasyo.

Pero kahit ganun, hindi naman masama ang loob ni Thraun at Yume sa ama. Si Yume ay masyado pang bata para maintindihan ang mga bagay na ito. Si Thraun naman ay naiintindihan nya naman ang pasakit na dinanas ng ama. Kaya hinahayaan nya nalang ito.

°°°

Ilang araw din nilang inembistigahan at inaral ang mga impormasyong nakuha nila. At ng pinagtagpi-tagpi nila ang mga impormasyong nakalap, dun nila nalaman na Selina's Eyes ang ginamit na portal.

Ang Selina's Eyes ang portal na ginagamit ng mga Elf noon. Pinaniniwalaang ang mga Elf lamang ang nakakagamit nito at ang portal na ito ay walang hinihinging kapalit and it can cross to different dimensions. Madaya na kung madaya pero yun ay one of their power's nature. Ang pinaka-main ability nila as an Elf. Ang ibang portal kasi ay kailangang may kapalit at ang iba naman ay limitado lamang ang access sa space and time.

Kaya naman ang mga Elf talaga ang hinahanap pagdating sa mga portal. Ang mga Elf naman ay ginawa itong pangkabuhayan at talaga namang napakalaki ng bayad para dito.

Pero bigla nalang daw naglaho ang mga lahi ng Elf matagal na panahon na ang nakakalipas. Walang nakakaalam kung saan sila nagpunta at kung ano ang nangyari sakanila.

Kaya naman ang lahat ay takang-taka kung bakit may biglang nagbukas ulit na Selina's Eyes. At kung may natitira pa bang mga Elves.

Yun naman ang pinagkakaabalahan ng Hari ngayon.

°°°

Sa sobrang bilis ng panahon ay hindi na namalayan ni Haring Keizer ang pagbabago sa mga anak nya. Si Yume ay nine years old na ngayon at si Thraun naman ay 17 yrs. old na.

Isang araw, naglalakad mag-isa ang Hari sa pasilyo. Pinaalis nya muna ang mga tagapaglinkod nya na laging nakabuntot sakanya. Humingi muna sya ng privacy para makapag-isip-isip at pinagbigyan naman sya.

Napadaan ang Hari sa Forsaken Garden of Feathers. Bigla namang sumariwa sakanyang alaala ang mga panahong buhay pa si Ashura, ang una at ang huling babaeng minahal niya.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon