Chapter 48: Breakdown of Skies

662 28 0
                                    

*~*~*
Haru's POV

Agad nilang ginamot si Yume. Buti nalang may healer sakanila kaya agad na naghilom ang iba nyang sugat. She's better now. Pero hindi na kinaya ni Chira (yung healer) ang paggamot sa sugat ni Yume sa braso. Masyado na daw kasing nagamit sa ibang sugat ang powers nya at masyado daw malalim ang sugat. Kaya pinagpahinga nalang muna namin sya to regain her powers.

"I'm sorry. This shouldn't have happened to you." Bulong ko sakanya at hinalikan sya sa noo. Wala parin syang malay. Kita ko pa ang mga pasa nya, lalo na sa gilid ng mata nya. Napatingin naman ako sa sugat nya sa braso.

Kung nandun lang sana ako, edi sana hindi na sya aabot sa ganito. Doble para sakin ang sakit na makita syang ganito. Iniingatan ko sya ng sobra, tapos makikita ko nalang na ganito sya? Nakakagago lang diba?

Umupo ako sa tabi nya at babantayan ko sya. Kahit namamayani ang sakit, nakaramdam naman ako ng saya kahit papano.

She didn't broke her promise. She came back for me.

°°°

"Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na ah." Biglang sabi sakin ni Chance. Ngumiti naman ako sakanya.

"Hindi kasi ako makatulog. Hihintayin ko ang paggising nya." Sagot ko. Tumawa naman sya ng mahina.

"Sobra naman yan. Baka mawalan ka ng lakas kakahintay sakanya. Pwede namang matulog ka muna." -Chance.

"Ba't ako manghihina kung nasa tabi ko na ang lakas ko? At guso ko paggising nya ako ang una nyang makikita." Sabi ko ng nakatingin kay Yume. Napansin ko naman na parang napasimangot sya. At bigla nalang tumayo. Nakatalikod sya sakin sabay sabing,

"Bahala ka. Basta ako matutulog nya." Napakunot ang noo ko. Bakit parang ang cold yata ng tono ng panananilita nya?

Binalewala ko nalang yun at tumingin kay Yume. Siguro tama nga si Chance. Wala namang mawawala kung matutulog ako.

Kaya sinubukan ko namang matulog. Makaraan ang ilang minuto, wala parin. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Marahil ay nandun ang pangamba ko na baka hindi na magising si Yume.

Napatawa naman ako ng mahina sa naisip ko. Napaparanoid lang siguro ako at dala ng sobrang pag-aalala kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

°°°

Naalimpungatan ako dahil sa may narinig akong malakas na pagsabog. Agad akong napabalikwas at napansing wala na si Yume sa kanyang higaan. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Shit." Ang tanging nasambit ko. Nagising din sina Chance pati yung iba pa.

"Nawawala sya!" Pasigaw kong sabi. Agad na kumilos at naghanda si Chance pati narin ako.

Agad kaming umalis sa base. At paglabas namin sa building ay humampas samin ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

"Ano yun?!" Sigaw ni Chance sabay turo sa langit. Sinundan ko naman ang tingin nya. Pati ako ay nagulat.

Ang langit ay parang nahati sa gitna. This time, we see a very dark sky, and the stars refused to shine. What the heck is that?

Maya-maya ay may halimaw na lumabas doon. Sobrang laki nito, ang haba ng sungay. Ang bangis ng mukha. Ang laki ng pakpak. Isang Manticore.

"Wag muna kayong magpapakita sa Manticore! Unahin natin ang prinsesa!" Utos ko sakanila. Sumunod naman sila sakin. Kasama ko sina Chance at Renz at yung iba ay sa iba naghanap.

Takte, sang lupalop ko sya hahanapin ngayon? I'm starting to get frustrated. Napaka pabaya ko! Napapamura nalang ako sa isip ko.

Hanggang sa di inaasahan ay may isang napakalakas na bagay ang bumagsak sa harap namin. Buti di kami dumiretso agad. Sabay kaming tatlong napatingin sa taas.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon