Chapter 50: Total Eclipse of The Heart

887 28 0
                                    

*~*~*
Haru's POV

Bigla nalang nagblurred ang visions ko. Hanggang sa nasa labas na pala ako ng palasyo. Medyo nahilo pa ako ng konti dahil dun. Kusa akong nagteleport, at mukhang si Fierce ang may gawa nun.

"Useless!"

Boses ni Fierce yon. Nagpalinga-linga kami para mahanap kung san nanggagaling ang boses.

"Mga hangal! Dahil sa ginagawa nyo, para nyo naring sinisira ang mundo nyo!" Umaalingawngaw ang boses nya sa tahimik na paligid.

"Harunoske." Banggit nya sa pangalan ko.

"Kung gusto mo talaga syang bawiin, siguraduhin mong malakas ka na! Dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin." Sabi nya saka kami nakarinig ng mal-demonyong tawa. Napa-mura nalang ako sa pagkaasar.

Achrid's Kingdom

Nagpasya ang Hari na bumalik muna kami. Ang sabi nya ay dapat mas paghandaan namin ang laban dahil hindi birong kalaban si Fierce. Totoo naman. Pakiramdam ko nga mas lalo pa ata syang lumakas ngayon.

Busy ang lahat. Lahat may kanya-kanyang ginagawa sa paghahanda. Naalarma naman ang mga tao ng malaman nilang may paparating na digmaan.

Pero sinabi na naming hindi naman dito mangyayari ang digmaan kundi sa Abandoned Western Zone. Which is malayo naman dito. Nag-assign nadin ang Hari ng mga magbabantay dito sa nakatakdang pag-alis namin.

Dumiretso ako sa kwartong inilaan samin ng Hari. Malaki naman ang kwarto kaya share nalang kami nina Chance at Renz. Humiga muna ako at nagisip-isip.

"Kung gusto mo talaga syang bawiin, siguraduhin mong malakas kana! Dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin!"

Yun lang ang tanging nagpaulit-ulit sa utak ko. Napamura nalang ulit ako at tumayo mula sa pagkakahiga. Kelangan ko makalanghap ng hangin.

Pagkapunta ko sa may veranda, una kong napansing ang isang kumikislap na bagay sa may di kalayuan. At dun ko na-realize na si Yume pala yunㅡyung diamond-shaped crystal na bumabalot sakanya. Di ko inakalang tanaw pala yun hanggang dito.

Muli, nakaramdam ako ng mainit na likido na tumulo sa pisngi ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko sa sarili ko.

Gulong-gulo ako ngayon. Pakiramdam ko masisiraan na ata ako ng bait. Napatingin ulit ako doon, at di ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

"Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong ginagawa ko. Tama bang ipaglaban ka? Kung ang kapalit naman ay ang pagkawasak ng mundo?" Hindi ko alam kung bakit pero napatawa ako sa sinabi ko. Ano nga bang nakakatawa sa sinabi ko?

Pero lumalaban din ang Hari, si Chance, si Renzㅡsila. Siguro nga ay dapat hindi rin ako sumuko. At nangako ako sakanya. Baka hinihintay nya ako. Mahal nya ako, at panghahawakan ko yun.

Pero kapag nailigtas ko na sya, ano ng mangyayari pagkatapos? Sa mga tao?

Marami paring tanong ang nasa isip ko. Malapit na nga ata akong matuluyan, konti nalang.

Napaupo nalang ako sa mahabang upuan na nandito. Ano ba ang mas kailangang gawin? Magpapaka-selfish ba ako? O isasantabi ko nalang ang nararamdaman ko para sa kaligtasan ng iba? Ang hirap mamimili. Minsan talaga umaabot sa puntong may pagpipilian ka talaga. Nakakalito.

Wala nakong magawa kundi ang umiyak dito. Alam kong hindi naman nakakatulong ang luha ko sa sitwasyon. I just don't know what to do or think anymore. That's why it cause me to end this way.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at pinakalma ang sarili. Saka ko napagpasyahan na pumasok na sa loob. Nakita ko naman si Chance na nakaupo sa kama nya.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon