Chapter 26: The Perils Of Kozumya Oni

787 32 0
                                    

Enjoy Reading!

*~*~*

Fierce's POV

Harunoske. Kahit kelan panira ka talaga!! Bwiset ka. Kung hindi mo lang inamin na ikaw ang sumulat ng sulat na yun, edi sana nakuha ko na si Yume.

Argh!! bwiset.

"AHHH!!" biglang kumulog at mas lalong nagwala ang mga kidlat. Nasa taas ako ngayon. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang marinig ng lahat pati narin silang dalawa ang mga sinasabi ko. At ang nature talaga ng kapangyarihan ko ay thunder.

And I get my power in the dark. Darkness is my source of power. Kaya nga ako ang tinatawag nilang 'Dark Prince'. Hindi dahil sa may masama akong ugali pero dahil ito narin mismo ang nagsisilbing buhay ko. Well, sabihin narin natin na masama talaga ang ugali ko.

But you can't blame me. Hindi naman porket hindi ako ordinaryong tao ay hindi narin ako pwedeng masaktan. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko.

Dahil nalaman narin ni Yume ang totoo, unti-unti na akong nanghihina at nalalaglag na ako mula sa mga makakapal na ulap. Isa din yan sa mga dahilan kung bakit ayokong maalala ni Yume si Haru. Kapag tuluyan ng bumalik ang alaala nya, may tsansang humina ang lakas ko. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang sabi sakin ni Rubia.

Pero di bale, malilimutan nya rin ang nalaman nya. Agad-agad din naman yung mabubura sa alaala nya. Once na unti-unti nyang naaalala nya si Haru, agad yung buburahin sa memorya nya. That's the sacrifice he made in order for Yume to be safe. Yun ang sakripisyo sa paggamit ng fly away spell. Isa kasi itong spell na ililipat ka sa ibang mundo, sa ibang dimension, sa ibang oras at panahon. Hah, hanga ako sakanya. Gagawin nya talaga ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Ibang klase. Tsk.Tsk.

Kaya nahirapan din akong sundan sila. Mabuti nalang at natulungan ako nung Dimensional Witch na si Rubia. At syempre may kapalit din yun. Wala sa bokabularyo ni Rubia ang salitang 'Libre'.

Sya lang din naman ang witch sa clan. Sya din ang nagb-bless kung sakaling may bagong hari o Reyna ang hinirang sa clan. Pati sa mga bagong silang na prinsipe o prinsesa, sya din ang nagb-bless.

Malakas ang impact ng pagkabagsak ko sa lupa. Masakit ang katawan ko pero walang wala ito kumpara sa mga sakit na dinanas ko. Unti-unti ng nawawala ang makakapal na ulap. Nawawala narin ang mga tornado na ginawa ko.

Napabangon nalang ako ng may maramdaman akong kakaibang enerhiya. Dito ako nahulog sa isang malawak na lugar, walang bahay, walang damo at wala ding puno dito. Tanging isang sira-sara, lubak-lubak at may mga butas din ang kalupaang ito.

Nasira siguro 'to ng mga kidlat na ginawa ko. Pero hindi parin nawawala ang enerhiyang nararamdaman ko. Ramdam ko ang lakas nito. Sobrang lakas. Tiningnan ko ang singsing ko. Ito yung binigay ni Rubia upang makalipat-lipat ako ng mundo.

In short, it's a teleportation device.

Titingnan mo lang ito at banggitin mo lang ang lugar na pupuntahan mo, sa isang iglap andun kana agad. Babanggitin ko na sana ang lugar na pupuntahan ko ng biglang may liwanag na biglang nag flash.

Crimson red.

Alam ko kung kanino galing yun. Sakto nung biglang lumiwanag ay tumilapon ako. Ang lakas. Sobrang lakas at sobrang mapanganib ito.

Dahan dahan akong tumayo. Shit. I need to be fast. Agad agad akong nagteleport papunta sa mansion ni Rubia. Pagkarating ko dun, hindi ko sya mahanap. Takte asan na ba yung bruhang yun?

"Where's Rubia?! Tell me where she is!" galit kong sabi dun sa tagapagsilbi ni Rubia.

"L-Lady Rubia i-is in her underground m-macabre."  takot at kabadong sabi nung lintek na tagapagsilbi.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon