Chapter 41: This Is What I Wished For

855 33 0
                                    

*~*~*
Yume's POV

Like Lady Rubia said, after I recover ay magsisimula na ang paghahanap namin sa Honourable Tribe's Ancestor Ring. Aish, bakit kasi ang haba ng pangalan ng singsing na yun?

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda. Binigyan naman kami ni Lady Rubia ng mga gamit na kailangan namin. Binigyan din nya kami ng mga damit na a komportable para sa paglalakbay namin.

Ang cool ng mga damit namin eh. Tsaka may binigay pa sya na mga weapon samin. Sakin ay dalawang hand gun. May lagayan naman ng baril sa dalawang legs ko kaya dun ko nilagay. Tsaka di naman ako marunong gumamit ng baril. -__-

Si Haru, hindi na sya binigyan kasi may kapangyarihan naman sya. Kaya mga healing potions at mga cure ang pinadala sakanya. Sakaling may  mangyaring masama samin.

Kay bebz ay isang dagger or yung tinatawag nyang cunai. Ewan ko ba kung bakit mahilig sya dun. At parang pang assasin yung attire nya. Ang cool nga eh. Ganun din kay Renz. Pang assasin yung attire. Ang weapon nya naman ay mga Japan Darts. Isa itong mga pabilog na blades.

[A/N : Kung sino po yung naglalaro ng DDTank sa facebook, I'm sure naman gets nyo kung ano ang Japan Dart. ^_^]

"So, we're ready?" Tanong ni bebz samin. Pareho naman kaming nagsitanguan. Ng nasa pinto na kami ng mansion, biglang dumating si Lady Rubia.

"Mag-ingat kayo sa paglalakbay. And I'm telling you, you will need this ring when the time comes." Makahulugan nyang sabi.

"Pano mo nasabi na kakailanganin nga namin 'to?" Tanong ni Haru. Ngumiti naman si Lady Rubia.

"Well, I just can see a glimpse of future young man. So long, and have a nice journey." Sabi nito saka pumasok na sa loob.

Sinuot na namin yung mga coat namin pati ang mga hoods nito. Para di kami mabasa sa ulan.

Bakit kaya hindi tumitila ang ulan dito?

Isa na naman yan sa mga katanungan ko. Nasa kalagitnaan kami ng pavement dito sa mansion. At doon may sinabi si bebz na hindi ko maintindihan at doon may lumabas na bilog. Katulad nung lumabas ng papunta kami ni Haru sa mansion ni Lady Rubia.

"Ready?" Tanong ni bebz.

"Ready." I replied.

Unang pumasok sa loob si Renz, sumunod naman si bebz. Then ako. Pero bumuntong hininga muna ako bago pumasok.

"It's okay, Yume. I will be right behind you." Sabi ni Haru na nasa likuran ko. Tumingin ako sakanya at ngumiti sabay tingin sa portal.

Okay, this will be the first step. First step for my first journey.

When I stepped in into the circle, light blinded my vision.

I'm ready. And this is what I wished for.

°°°

Hindi ako mapakali. As in hindi ako mapakali. Nasa loob kasi kami ng portal, palutang lutang. NASA LOOB KAMI NG PORTAL!!

Kita ko sa harapan ko sina bebz at Renz. Habang ako ay naninigas ang katawan sa nerbyos.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay si Haru pala.

Nakaramdam ako na safe na ako. Hindi na ako ninenerbyos at nakikisabay nalang ako sa flow dito sa loob kung san man kami mapadpad.

Hindi ko mai-explain ang paligid. Basta ang masasabi ko lang ay dark violet ang paligid. A sign of Lady Rubia's power.

Huh? kelan pa ako nagkaroon ng ganitong instinct? Siguro part nato ng kapangyarihan ko. At dapat sigurong masanay na ako.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ako mas malakas pa ako kesa kay Lady Rubia. Seeing Lady Rubia ay halata namang bihasa na ito sa kahit na anong pasikot sikot sa kapangyarihan.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon