♥ Enjoy Reading!
*~*~*
Yume's POV
Nagpasalamat kami kay Haru sa pagpapatuloy nya samin sa resthouse nya. Pero si bebz talaga ang lagi kong napapansin. Kanina pa kasi sya tahimik at wala sa wisyo simula nung pumasok kami sa resthouse ni Haru. Ewan ko ba dyan, tinatanong ko sya kung may problema ba. Pero lagi nyang sinasabing wala. Kaya napaghahalataan tuloy meron.
Bumalik na kami sa bahay at nagpahinga muna. Si mama nasa kwarto nya ata, natutulog. Si bebz dumiretso sa kwarto namin. Kaya ako lang tuloy dito mag-isa sa sala.
Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Dinama ang simoy ng hangin at mga tunog ng mga dahon. At nagsimula na naman akong makakita ng mga blurred images.
°°°
Minulat ko ang mga mata ko, pero may isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa paningin ko kaya hinarang ko ang kamay ko dito. Nung medyo hindi na nakakasilaw, tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakaharang at unti-unting nakikita ko na ang buong paligid.
Nakahiga ako sa damuhan kaya bumangon na ako. Maraming nakapalibot na iba't-ibang kulay ng bulaklak sa paligid. Siguro tanghali na. Pero hindi ko ramdam ang init.Tumingin ako sa kalangitan, puting puti ang ulap. At may iba't-ibang shape.
Napangiti ako sa nakita ko. Namamangha ako sa kagandahan ng lugar. Tumayo ako at nakita ang mga nagliliparang kalapate. Ang ganda talaga. Napansin ko namang ganun parin ang suot ko. At suot suot ko parin ang sombrero ko.
Part parin ba 'toh ng Mhija? hindi ko alam kung saang lugar to eh. Basta malawak ang lugar na puno ng bulaklak.
Nagpasya akong maglakad lakad. At sa di kalayuan, may natanaw akong isang malaking puno, at napansin ko ring may nakatayo na lalake dun. Nakatalikod sya mula sa direksyon ko.
Hindi naman ako nagdalawang isip na lumapit. Pero habang palapit ako ng palapit, naramdaman kong parang nakapunta na ako dito dati pa. Familiar sakin yung place. Nung makalapit na ako sa lalake, tumigil muna ako saglit.
Baka si Ryuuki na naman 'toh. Pero hindi eh. Sa pagkakaalam ko kulay itim ang buhok nya. At alam kong mahilig syang magsuot ng all-black ang peg.
Pero ito, kulay brown ang buhok nya. Naka-longsleeves na puti pero naka unbutton ang dulo ng butones sa kamay. Nakapamulsa ito. Hindi ko alam kung bakit pero basta tinapik ko ang balikat nya.
Agad syang napalingon sakin pero blurred ang paningin ko pagdating sa mukha nya. Bakit ganun? may sinasabi sya pero hindi ko marinig.
Pero nung hinawakan nya ang kamay ko, nakaramdam ako ng kakaibang feeling. Pero bakit ganun? naluluha ako. Bakit ganito?
May kung anong pwersa ang lumabas ng hawakan nya ang kamay ko. Biglang humangin ng malakas. Naririnig ko na ang mga sinasabi nya.
"Mahal kita Yume. Mahal na mahal. Remember that. Mark my words."
Pero kung kelan naaaninag ko na ang mukha nya, saka naman ako nakaramdam ng matinding antok at napapikit nalang ako.
"Mahal...kita.."
Is the last thing I heard from him.
°°°
Napabalikwas nalang ako mula sa pagkakaupo ko. *sighs*
A dream.. again..
I thought. Ano ba naman 'toh. Ang tahimik. Nakakabingi. Dahil bored na bored na ako, lumabas ako. At akalain mo nga naman, nakasalubong ko si Haru.
BINABASA MO ANG
Yume at Moonlight
Fantasy"They say dreams do come true.. But they forgot to mention that nightmares are dreams too.."