Chapter 44: SilverMist Town

716 34 0
                                    

*~*~*
Yume's POV

Para akong nabunutan ng malaking tinik. Buti nalang at walang napano dahil dun sa Oni na yun!

At nga pala, hindi na kami sa Gandalf pupunta. May nakita kasi kaming town na mas malapit sa boundary kesa sa Gandalf. At ito nga yung nilalakad namin ngayon. At sabi ni Bebz konting kembot nalang daw at makakarating na kami doon sa sinasabi nyang SilverMist Town. Narinig ko na yun dati kay Tito Yurikeru eh.

Hay~ kamusta na kaya sina Kuya at Papa? I hope they're in a good condition now.

"Nakikita ko na ang gates ng SilverMist!" Masayang sigaw ni Renz. Grabe! di manlang napagod. Ako nga na hindi nakipagsapalaran dun sa Oni pagod na pagod na nga eh. Kataka-taka naman.

"Pagod ka na ba, Yume?" Tanong sakin ni Haru.

"Ah, hindi. Kaya ko naman." Sagot ko dito at ngumiti. Hapon na nga pala at tirik pa din yung araw. Nahihiwagaan na naman ako pagkat di manlang ako nakakaramdam ng init. Pagod, oo.

Sa wakas at nakarating na kami sa gates ng SilverMist. Makakapagpahinga nadin.

Kinausap naman ni Haru yung mga nagbabantay sa gate.

"We came from the neighboring town of Gandalf." Palusot ni Haru. Tumango naman yung mga nagbabantay at pinagbuksan ng gate. Buti nalang di nila pinatanggal 'tong hood sa ulo ko kundi baka nabuko na kami!

Hindi pa pwedeng ipaglantaran ang identity ko. Lalo na sa mga kamag-anak ko. Hays. Yun kasi ang sabi ni Lady Rubia, hangga't hindi pa namin naibibigay sakanyang ang singsing.

"We'll stay here for the night. And tomorrow, maghahanap tayo ng way kung pano makapunta sa boundary ng hindi nahuhuli. We need to be fast this time. We can't waste so much time anymore. We need to deal with Fierce as soon as possible para matapos na ang kadramahang 'to." Mala-awtoridad ang boses ni Bebz. Sumalampak ako sa kama.

°°°

*SOUND OF THUNDER*

Nagutla ako sa lakas ng kulog. Wait, bakit ako nandito? I'm supposed to be in our room. Pero pano nangyaring napunta ako dito?

It was a plain field with no trees and grass. Dark and dirty smokes are everywhere. Napapaubo nalang ako. Ano ba 'to! At pilit kong hinahawi ang mga usok na humaharang sa mukha ko.

Walang tao. Sa tingin ko nga ay ako lang mag-isa.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng maliliit at malamig na patak ng ulan. Napatingala ako at naramdaman kong may pumatak sa pisngi ko.

Dahan-dahan ko iyong pinahid gamit ang mga daliri ko. At di kalauna'y lumakas ang ulan. Napayakap ako sa sarili ko dahil nilalamig na ako.

I walked and walked, hoping to find a place to stay. Pero wala talaga. Asan na ba kasi sila Bebz? Renz? at Haru? Kanina lang ay magkakasama kami sa kwarto.

*SOUND OF A THUNDER*

Napatakip nalang ako sa tenga ko.. Pagkatapos ng kulog na yun ay sunod-sunod na ang kulog na dumating. Lalong dumilim at mas lalong lumakas ang ulan. Ang mga kidlat ay nagmistulang flashing cameras dito.

"AHHH!!"

"Mama!" *Sound of a child's sob*

"Mahal kita, asawa ko. Kayo ng mga anak natin."

"FIRE!!!"

"Please, help us. Can somebody..p-please."

Halo-halong mga boses ang naririnig ko. Ano na naman bang nangyayari? Ang sakit sa tenga ng mga iyak, sigaw, mga nagsasalitang sabay-sabay na hindi ko na mawari kung anong salita ang binabanggit nila.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon