Chapter 38: Being Part of You

647 31 0
                                    

The Ruins of Lost Time [9/38]

Enjoy Reading!

*~*~*

{ Narration }

Mabilis na lumipas ang panahon. At si Yume ay ganap ng dalaga at si Haru din naman ay binata narin. Ganun parin ang pangyayari, na laging nasa paglalakbay si Haru kasama ang kinilalang ama nito na si Yurikeru.

Si Yume ay pinag-aaral ng kanyang ama. Pinag-aaralan nya lahat ng tungkol sa Moonlight Realm. Ang simula nito, ang history ng bawat crescent, mga patakaran o batas hanggang sa mga tao. Lalo na sa mga Oni.

Sakit man sa ulo ay kinakaya naman ni Yume. Bilang prinsesa ay alam nyang parte narin ito ng responsibilidad nya.

Pero kahit ganun ay hindi nya parin nakakalimutang mapadaan sa Forsaken Garden of Feathers. Autumn season narin kasi sa lugar nila kaya marami na namang yellow, orange o red ang dahong naglalagasan sa mga puno.

"Hays~ Kelan kaya ulit ang balik nila Haru. Hanggang ngayon ay hindi pa sya sumusulat sakin." Malungkot na wika ni Yume. Wala na talagang ibang tumakbo sa isip ni Yume kundi si Haru.

Nararamdaman din ni Yume na sa tuwing nami-miss nya si Haru o kapag nakikita nya ito, parang may kakaibang bugso ng damdamin syang nararamdaman. A feeling that she never felt before. Pero binaliwala nya lang ito at inisip na napaparanoid lang sya.

Hindi nya talaga alam---wala talaga syang kaalam-alam sa sarili nya na unti-unti na pala syang nahuhulog sa binata.

Napansin ito ng Kuya nya, at natuklasan din agad. Hindi naman ganun kalakas ang pakikiramdam ni Thraun. Pero dahil sa angking katalinuhan ni Thraun ay nai-interpret nya ito ng tama.

Kaya lagi nyang tinutukso ang nakababatang kapatid. At si Yume naman ay todo deny at mas lalo yung ikinatutuwa ni Thraun.

Ng dumating na sila Haru, walang kupas parin ang tuwa ni Yume. Minsan ay napag-uusapan nila ang tungkol sa bagay na ito. Pano kaya kung tumigil nalang si Haru sa trabahong ito at pumili nalang ng iba?

Pero kahit nahihirapan si Yume sa tuwing pag-alis ni Haru ay tinitiis nya. Kailangan nya ng maging matured sa mga bagay na ganito. Naisip nya din na napamahal na si Haru sa trabahong iyon kasama ang kanyang stepfather kaya hinayaan nya nalang.

°°°

Yume's POV

Andito kami ni Haru sa Nufarra Beach. Naisip kasi ni papa na mag-outing daw kami. At ito ang naisip nyang lugar. Kami-kami lang naman nila Tito ang kasama. Alam daw kasi ni papa na miss na miss ko na daw si Haru. Fushung palaka, nakakahiya!! Alam nyo yun?? Nakakahiya..

Kami lang ni Haru dito sa seashore ngayon. Pinapanood namin ang sunset habang yung iba naman ay nasa resthouse na.

Niyaya ko kasi si Haru na manood muna ng sunset bago bumalik sa resthouse. At syempre sino pa ba ang makakatanggi pag prinsesa na ang nagyaya?

Hahaha okay, ako na talaga.  Walang basagan ng trip! =,=

"Lagi nalang tayo ang nakakapanood ng sunset." Tumango ako sa sinabi ni Haru. Nakatayo lang kami, ayoko kasing umupo sa buhangin.

May suot akong flower crown ngayon, natripan ko kasing gumawa kanina habang nasa cottage ako. Marami kasing flower kaya ayun, gumawa ako. Tsaka ayoko magswimming, ang init init. Osige na, ako na ulit ang maarte. Ano ba! Dalaga na ako kaya normal lang yun.

Aish, ano bang pinaglalaban mo Yume? Ah! ewan. -__-

At may hawak pa akong isang flower crown, ginawa ko 'to para kay Haru. Trip ko lang ulit. Hehehe. Ay anobayan, may nararamdaman na naman akong kakaibang feeling. ____>

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon