Chapter 4: Shades of Purple Sky

4.1K 148 2
                                    


⚫  Yume ⚫


*Criiingg!!*Criiingg!!*Criiingg*


Pikit mata kong inaabot ang alarm clock ko para patigilin ito. Pero wala naman akong nahahawakan. Asan na ba kasi 'yon?


Ayun! nahawakan ko narin.


*Criiingg!!*Criiingg!!*Criiingg!!*


"Jeez. Why won't it stop?!" inis kong wika sa sarili ko. Kaya naman napilitan pa akong bumangon sa higaan at pinatay ito. Then, napahiga ako ng wala sa sarili sa kama.


"Diba Saturday ngayon?? Sino ba kasi nagpaalarm 'nun." sabi ko ulit sa sarili ko. At unti-unti ulit ako dinalaw ng antok.



⚫  ⚫  ⚫



"Uy! halika dito. Kawawa yung tuta oh. May sugat sya." sabi ng isang  batang babae. Teka. She's the girl from my previous dreams!!


Tumingin sya sa likod nya.


Wala namang tao.


"Tara tulungan natin sya ____"


"Sige. Ako na magdadala sakanya Yume hime.."


May nagsasalita pero walang tao.


Then naglakad na sya palayo.


So I'm seeing this again ?


Maya-maya ay nagb-blurr na yung buong paligid hanggang naging plain black nalang ang lahat.


Napapikit nalang ako dahil feeling ko antok na antok na ako.



⚫  ⚫  ⚫  



Dinilat ko ang mata ko. Now it went back to normal. Nasa sarili kong kwarto na ulit ako. Bumangon na ako at nakita ko ulit yung dalawang ibon malapit sa bintana ko.


They seemed to be very happy.


Tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko. Then bumaba na ako para kumain ng almusal.


"Nak, alis muna ako. Maglinis ka ng bahay ha." sabi ni mama habang inaayos 'yung mga gamit sa bag nya.


"San ka po kayo pupunta?" tanong ko habang sinusubo' yung cereal.


"Dyan lang. May bibilhin lang ako. Babalik din ako agad. Tsaka nga pala, anong oras punta mo dun kila Marcus?" biglang tanong sakin ni mama.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon