Chapter 39: Please Don't Go Away

725 34 0
                                    

The Ruins of Lost Time [10/39]
[The Last Memory]

Enjoy Reading!

*~*~*

{ Narration }

Pagulong-gulong si Yume sa kama nya at hindi mapakali. Marami syang gustong gawin pero hindi nya alam kung pano at saan ito sisimulan

Hinihintay nyang makabalik sila Haru. Wala naman sila sa paglalakbay ngayon pero pumunta sila sa Ashes Market. Ang pamilihang bayan sa Moonlight Country.

"Aish!! Gusto ko talagang umalis." Sabi ni Yume sa kanyang sarili habang nakatingin sa kisame. Hindi parin nawawala sa isip ni Yume ang sinabi ng kanyang Kuya.

Nagdadalawang isip sya kung ipapaalam nya ba ito kay Haru o manatili nalang tahimik. Pero in the end, she chose to remain silent.

°°°

"Haru, gusto ko umalis ng palasyo." Sabi nya kay Haru at ikinagulat naman yun ng binata.

"Ano?! Maglalayas ka?!" Nag-aalalang sambit ni Haru. Napa face-palm naman si Yume dahil mali ang pagkakaintindi nito sa sinabi nya.

"Hindi! I mean, gusto ko umalis ng palasyo dahil gusto ko mag-explore. Hindi naman ako maglalayas ano! Sira ka ba." Sakrastikong sabi ni Yume.

Napakamot naman sa ulo si Haru.

"Sorry naman. Pero Yume-hime, alam naman natin na bawal kayong lumabas off-gates." Pag-aalala ni Haru kay Yume sa utos ng ama nito.

"Eh magpapaalam naman tayo eh. Basta samahan mo ko ha?" Sabi nito.

"Oo naman." Sagot ni Haru.

Kinabukasan nga ay nagpaalam si Yume sa ama nya na lalabas sya off-gates sa palasyo. Pero nalungkot lang si Yume. Hindi kasi sya pinayagan nito. Kaya nagmukmok at nagkulong si Yume sa kwarto nya. Tila nakaramdam ng pagkainis si Yume sa pagiging mahigpit ng papa nya.

Kinabukasan ay nag-yaya ang Tito nya na mamasyal sa labas ng palasyo. Sumigla naman ang mood ni Yume dahil dito.

"Excited na talaga ako!" Masiglang sambit ni Yume.

"Oh, wag kanang magmu-mukmok ha." Sabi ni Haru at tumango-tango naman si Yume bilang tugon.

"Tigil muna tayo saglit dito manong, may bibilhin lang ako saglit." Litanya ni Yurikeru. Tumingin naman sya dalawa.

"Papayagan ko kayong magtingin-tingin sa labas, basta wag kayong lalayo. At ikaw mahal na prinsesa. Wag na wag po ninyong kalimutang isuot ang hood ninyo." Pagpapaalala ni Yurikeru na ikinatuwa ni Yume. Niyakap naman ni Yume ang Tito nya.

"Opo! Opo! Hindi ko po kayo susuwayin. The best po talaga kayo Tito!" Masayang sabi nito. Ng bumaba na si Yurikeru ay bumaba nadin sila Yume at Haru.

Agad itong napalibot ng tingin sa paligid. Manghang mangha sya sa mga nakikita nya.

"Yume-hime, mag-ingat po kayo at baka malaglag ang hood nyo." Sambit ni Haru.

"Ah, oo." Sagot naman ni Yume.

"Dun tayo Haru!" Pagtuturo ni Yume sa isang stand na nagtitinda ng mga mansanas. Pumunta nga sila doon at nagtingin tingin si Yume ng mansanas.

Matandang babae na yung nagtitinda at tila nahihirapan na.

"Naku, bakit po kayo ang nagtitinda. Dapat po ay nagpapahinga na kayo ngayon. Halata po kasing nanghihina na kayo." Sabi ni Yume sa matanda.

"Ay, wag nyo ho isipin yun iha. Kaya ko pa." Nakangiting sambit ng matanda.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon