Chapter 21: The Whispers of Love

1.2K 60 0
                                    

Salamat sa patuloy na pagbabasa netong storyang to na kahit ang mismong author ay naguguluhan na. Enebeyen. Super complicated naman neto. Ewan ko kung bakit. Shunga lang eh noh?

Anyway,

♥ Enjoy Reading!

*~*~*

Yume's POV

I opened my eyes, and noticed that I woke up in the fields with the autumn trees. I can feel the afternoon air touch my skin as the leaves fall down in my face.

Bumangon ako, and confusion was written all over my face. 'Where am I?' I thought.

Tumayo ako at naglakad lakad. Nawawala na talaga ako. All I can see is a field of grass and autumn trees. The clouds were colored in orange-yellow and the sun was setting.

After a few minutes of walking, may natanaw akong lalakeng nakatalikod. Nakakulay black na jacket ito na nakababa and hoodie at kulay black na pants. Kulay itim rin ang buhok nito at nakapamulsa.

I headed towards him hoping that he knows what place is this. Kinulbit ko sya at agad naman syang napalingon. T-teka.. sya yung nasa amusement park nun ah!

He has long eyelashes and thin, pinkish kissable lips. *gulp* okay? I know that his looks are jaw-dropping.

"Diba.. ikaw yung--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng magsalita sya.

"Ako nga." he said casually.

I looked at him in confusion. Why is he here anyway?

"Ah.. alam mo ba kung nasan tayo?" I asked. I saw his lips curved into a smile.

"You're in my dimension."

"Dimension..what?" at ngayon, mas lalo ulit ako naguluhan. How and when did I get here?  Nawala ako sa gitna ng iniisip ko ng bigla nya akong niyakap ng mahigpit. I was shocked at the same time, ang haba naman ng hair ko at niyakap ako ng gwapong nilalang na to. *iling*iling* okay. Syempre joke lang yun. Erase! Erase!

Kumalas sya sa pagkakayakap at hinawakan ang isa kong kamay at ininterwine nya ito. Feeling ko nag-iinit ang pisngi ko. He was looking intently in my eyes na syang dahilan ng pagkakaroon ng awkward atmosphere.

Napayuko nalang ako dahil feeling ko matutunaw ako sa sa mga titig nya.

"Yume." He said in a deep, clear voice. Napatingin naman ako sakanya.

"Nagmahal lang naman ako."

"Huh?" hindi ko sya maintindihan.

Bumitaw na sya mula sa pagkakahawak sa kamay ko at nilagay ang mga kamay nya sa bulsa. Nagside-view sya sakin at saktong tumatama ang liwanag ng lumulubog na araw sa mukha nya.

"Nagmahal lang din naman ako. Kaya ko nagawa ang mga bagay na yun." I stayed in silence, waiting for the next thing he'll say. And then he looked at me.

"Sana.. maintindihan mo rin ako Yume. Nasasaktan din ako. At dahil dun, nakagawa ako ng masama. Intindihin mo sana ako, na minahal lang kita kaya ko ginagawa ito."

Napalunok ako sa narinig ko. Hindi ko inasahan yun ah. Pero m-mahal? seryoso ba sya? nagkita lang naman kami sa amusement park ah?

"Mahal kita..Yume"

And the next thing I knew is that he kissed me in my lips. Ramdam ko ang malambot na labi nito na dumampi sa labi ko. I can feel his sincerity.

At bumitaw na sya sa halik. Ni hindi ko man lang ito magawang itulak. Ano bang nangyayari sayo, Yume?! wake up!

"Anong.. pano..b-bakit.." halos hindi ko na maisambit ang nararamdaman ko.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon