Chapter 8: The Song of Faded Memories

2.7K 95 2
                                    

A/N : PLEASE READ!!

Sana po basahin nyo yung lyrics ng kanta. Pinaghirapan ko po yung itype! Chos lang. Ang totoo kasi nan, may meaning yon. Tsaka 'You are My Love' po yung title by Yui Makino. Japanese song po talaga yun na trinaslate lang. Again, galing po yun sa anime na 'Tsubasa Reservoir Chronicle' I just loved the song and it's meaning kaya wag nyo pong isipin na nanggagaya ako. Sarili ko po tong story at may sarili po akong plot. Have time to watch that guys! yun lang. Thanks for reading this A/N.

Enjoy!

*~*~*



⚫ Yume's ⚫ 


Nagising ako. And again, asan na naman ako? kung saan-saan na ako napadpad. Gulong-gulo na talaga ang isip ko.


Inobserbahan ko yung paligid. And remembered the tree infront of me. This is the tree where I saw the girl. I looked up at the night sky. Ang ganda parin ng mga bituin like usual.. I sat under the tree and continued looking at the night sky. The place was so relaxing and peaceful.


Nabaling ang atensyon ko when I realized that my skin was actually glowing in crimson red color. Napatayo ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakita ko din ang puno na nag g-glow din in purple-pink color. Afterwards, I felt dizzy. Parang nawawalan ako ng lakas.


"A-anong nangyayari?" mahina kong sambit.  And then dumating ang hindi ko inaasahang mangyari..


Unti-unti kong nakikita ang mga pulang pakpak ko. It was so bright to the point na hindi ko na kayang tingnan ito.


Hinang-hina na ako na halos muntik na akong matumba. Ang mga pakpak ko ay kusang gumagalaw na para bang may sarili itong pag-iisip. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nililipad ng sarili kong mga pakpak.


Mas lalong hindi ko inaasahan na makikita ko si

.

.

.

.

.

.

Haru..


Oo, sigurado ako. Si Haru nga ito. At.. bakit sya umiiyak?


Ang bibig ko ay kusang nagsalita at hindi ko alam kung anong sinabi ko at bakit ko sinabi yun.


"Sayonara Haru.. Soshite, aishteru"


inakto ko pang parang inaabot ko si Haru gamit ang kamay ko at ganun din ang ginawa nya. Para bang pilit kaming pinaglalayo.. Hanggang sa unti-unting na akong naglaho sa hangin..


⚫  ⚫  ⚫


"AAHH!!" bigla akong napabalikwas sa kama ko. Panaginip? nanaman?


Haiist! kung anu-ano nalang ang napapanaginipan ko. Ni hindi ko alam kung san ko nakukuha ito.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon