Chapter 16: Denying The Undenied

1.3K 48 0
                                    

Enjoy Reading!

*~*~*~*~*~*~*~

Yume's POV~

Ilang araw ng hindi pumapasok si Haru. At ilang araw narin akong parang zombie dito. Bakit naman kasi ang O.A. ko, ha? naiinis na talaga ako sa sarili ko. Argh!

"Hoy babae! ano ba kasing problema mo ha? kasi alam mo nakakasira ka na ng araw. Tigilan mo nga yang pabalikbalik mong lakad. Nakakahilo kana, pramis!" reklamo ni bebz na kasalukuyang may sinusulat sa upuan nya. Wala pa kasi kaming teacher eh. Tsaka yung mga klasmeyt ko nagpaparty dahil wala pang teacher.

At ako naman, kanina pa pabalik balik sa lakad. Hindi ako mapakali eh. Masyado akong nagpapa-affected. Ahh!!

"Ano ba kasing problema?!" medyo tumaas na yung boses ni bebz. Pero hindi parin rinig. Sa ingay ba naman ng room namin eh.

"WALA!" napataas narin yung boses ko saka bumalik na sa pagkakaupo. Ganan lang kami lagi. Magtatanong sya kung anong problema then ang sasabihin ko naman wala. Ang sabog nga naming dalawa eh.

"Please go back to your respective seats. We will start our lesson for today." agad namang nagbalikan ang mga kaklase ko. At halos mabingi ka sa sobrang tahimik.

Lipad ang utak ko habang nagle-lesson si ma'am. Nakatulala lang ako habang dinuroduro nya yung board. May galit ba sya sa board?

"Ms. Tomodaki, will please answer statement number 8?"

Kumusta na kaya si Haru? ano kayang ginagawa nya ngayon?

"Ms. Tomodaki."

Maka bisita nga mamaya. Ahehe.

"Ms. Tomodaki!!"

Agad akong napatayo ng sinigaw na ni ma'am ang pangalan ko. Did I spaced out too much?  *iling*

Chance's POV~

Kanina pa talaga ako nagpipigil ng tawa dito. Pano ba naman, kala mo nakikinig yun pala tinititigan lang yung teacher. Eh nasa bahay ata nina Haru ang utak ng bebz ko eh. Kasi naman, kahit hindi nya sabihin sakin, alam kong kanina nya pa iniisip si Haru. Lagi ko nga syang kinukulit kung may gusto ba sya kay Haru. Pero lagi nyang dinedeny. Pffft. Baka di ko na mapigilang humalakhak dito.

Tingnan mo naman itsura oh, halos hindi na madrawing. Hahaha.

"Ms. Tomodaki, let's talk at my office after my lesson. Now sit." mataray na sabi ni ma'am. Haha, kawawang Yume. Pfft.

---

"Bebz, ba't nagkaganun? did I spaced out too much?" grabe tinanong nya pa. Eh obvious naman kasi kung makapag-isip kay Haru sobrang O.A. na. Parang kapamilya nya yung nagkasakit. Tss.

"Yeah, super. Kaya kung ako sayo, hindi ko muna iisipin yang LALAKENG yan." pinagdiinan ko talaga yung salitang 'lalake' para matauhan naman sya kahit konti lang. Napatigil naman sya sa paglalakad sa sinabi ko.

T____T - Yume

=_____= - ako

Mukha talaga syang ewan. Haha.

Lumapit naman sya sakin then pinulupot yung kamay nya sa braso ko. Err.

"Alam mo na?" halos pabulong na nung sinabi nya yan.

"Ang alin?" syempre patay malisya kuno. Kasi pag nalaman nyang 'alam ko na' ang ibig nyang  sabihin, maloloka yan ng di oras. Kilalang kilala ko na sya.

She sighed in relief. Then smiled.

"Wala." then nauna na syang naglakad sakin. Hala, anyare dun? pauwi na kasi kami ngayon. At napagalitan nga sya nung teacher kanina. Agad naman akong humabol para makasabay sakanya.

Yume at MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon