Chapter5-Yakap

100 18 2
                                    

Yakap

"Kasabay ng malamig na ihip ng hangin, Isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin"
~bee_buddy~

---------------
Clarence's Pov.

"Nandito na tayo my lady" saad ko sakanya pero parang wala ata siyang narinig.

"Nandito na po tayo!" bahagyang lakas na saad ko at duon lamang siya lumingon sakin. Bakas parin ang pagluha niya dahil mamula-mula parin ang mga mata niya at ilong niya.

"Ha?" aniya.

"Wag mo nang isipin ang nangyare kanina. Isipin mo nalang ako" pang-aasar ko sakanya para kahit papano mawala sa utak niya ang nangyare kanina. Kita ko naman ang pagkapula ng mukha niya na ilang minuto lang ay sasabog na siya kaya naman lumabas nako at kinuha ang maleta niya.

"Ikaw iisipin ko yuckk mahiya ka nga sa sarili mo" aniya.

"Sila dapat mahiya sakin. Sa gwapo ko bang ito" saad ko at nahalata ko naman sa mukha niya ang pagkasuya.

"Ikaw gwapo? Hahahaha ni wala ka pa nga sa mga nakasama kong lalakeng models" aniya kaya naman lumapit ako sakanya bahagya at yumuko upang magpantay ang paningin namin.

"Sabihin mo sakin ngayon na hindi ako gwapo" saad ko sakanya. Bahagya siyang napalunok at kita ko ang pagkapula ng pisngi niya.

"H-hindi k-ka g-gwapo" nauutal niyang saad na lalong nagtulak sakin na asarin siya.

"Talaga ba" saad ko sakanya at nilapit ko ang mukha ko sakanya. Napatingin ako sa mga mata niyang bilugan. Ang pilikmata niyang makapal at mahaba. Ang matangos at maliit niyang ilong. Ang labi niyang perpekto ang pagkapink nito. "Gwapo ako diba?" tanong ko sakanya na agad naman siyang tumungo kaya naman napatawa ako sa reaksyon niya.

"Sabi sayo gwapo ako eh tumungo ka pa nga" pagmamalaki ko sakanya habang bitbit ko ang maleta niya.

"H-hoy!!, urghhhh you!!" sigaw niya sakin.

"Ilong mo lumalake"

"A-anong!!. Stop making fun of me at kahit lumake ang ilong ko maganda parin ako. Bodyguard kalang at kaya kitang palitan ora mismo" aniya sakin na kapamewang pa.

Ngayon ko lang napansin ang suot niyang maong na maigsing short at sando na halata ang pangloob niyang suot kaya naman napaiwas ako sakanya.

Kahit kaya kong magtimpi ay lalake parin ako.

"Hindi moko pwedeng palitan dahil hindi ikaw ang naghired sakin at nasa teritoryo kita" saad ko sakanya at naglakad na sa may bukid dahil sa gitna ng bukid ang bahay ko.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Naglalakad siguro" saad ko sakanya. "Halika na at gabi na" saad ko sakanya.

"Ako maglalakad dyan sa mud nayan yuckk over my gorgeous body" aniya.

"Balaka dyan marami pa namang multo dito" pagsisinungaling ko sakanya at dahil sa buwan na nagsisilbing liwanag namin ay kita ko ang takot sa mukha niya.

"T-totoo ba?" aniya.

Ķokak!

"Kyahhhhhh what's that!" sigaw niya habang nakayakap sakin. "Ano yun? Multo bayun?" takot na tanong niya.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon