Chaptera4-Danger

111 20 0
                                    

Danger

"Sa kabila ng kasalanan ko,nandito ka parin sa tabi ko"
~bee_buddy~


-----------------
Rhia's Pov.

"Reinz nasan tayo?" tanong ko kay reinz ng magising ako.

"Asa hotel tayo. Pano naglasing kalang naman at dahil hindi kita keri nagpatulong nako sa isang waiter na buhatin ka" aniya.

"Ano! Pano kung pinagsamantalahan ako nun at reinz naman malay mo madumi kamay nun" inis na saad ko kay reinz.

"Gaga wag kang assuming, bakla yung nagbuhat sayo pasalamat ka nga di ka tinapon sa dagat nun"

"Baka amo niya ako" saad ko.

"Oo among may sapak sa utak. Eto uminom kana alam kong may hang over ka" saad niya at inabot sakin ang isang gamot.

"Ano naman to?" tanong ko sakanya.

"Gamot yan para matanggal utak mo"

"Baka cheap to ha. Ayoko ng cheap na medicine" pagiinarte ko.

"Eto bote ng Diva, pukpok mo sa ulo mo para pampawala ng sakit ng ulo mo at baka sakaling matanggal din sa sytem mo kaartehan" aniya sakin.

"Eh ayoko nyan mamaya kung ano pa maging effect sakin nyan tyaka mukhang cheap kaya" saad ko sakanya habang tinitignan maigi yung gamot.

"Ay ewan ko sayo rhia saang planeta ka ba galing" aniya at napahawak pa sa sintido niya.

"Oo na iinumin" mahinang saad ko at kahit labag sa loob ko ay ininom ko ito. Halos masuka pako sa lasa.

"Iinomin din pala ang dami pang kaartehan. Nga pala kailangan na natin umuwi for sure hinahanap na tayo ng daddy mo" aniya.

"Wala si daddy, nasa america. Alam mo naman wala ng time sakin si daddy" mahinang saad ko.

"Gaga baka naalala mong may bodyguard kana at for sure nakausao niya na ngayon daddy mo" aniya kaya naman bigla akong nataranta.

"Oo nga pala shit!. Umuwi na tayo babe" nagmamadaling saad ko sakanya.

"Hoy ayusin mo nga muna sarili mo!" sita sakin ni reinz.

"Sa kotse nalang tara na at hapon na oh. Baka nga hindi na talaga ako payagan ni daddy lumabas pag nalaman niya na tumakas nanaman tayo" saad ko at dali-dali nako nagsapatos at lumabas.

"Hoy anong tayo? Ikaw kang noh, dinamay mo lang ako sa pagtakas mo" aniya habang nagdradrive habang inaayos ko naman ang buhok ko.

"Atleast sumama ka padin kaya tayo not just me noh"

"Whatever rhia. Wish ko sana talaga hindi makarating sa daddy mo ang pagtakas mo nanaman dahik for sure you're be in jail for a year" aniya na lalong nagpakaba sakin.

"S-sana nga" mahinang saad ko habang di ko na namamalayan na kinakagat ko na pala ang daliri ko dahil sa taranta at takot.

Halos 45 minutes din ang byahe namin and thank god hindi masyadong traffic kaya nakauwi kami agad. Umuwi narin si reinz after ng paghatid niya sakin at pinahatid ko nalang siya sa driver namin.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon