Chapter9-Pink Rose

90 21 0
                                    

Pink Rose

"Kulay ng ating pag-iibigan, nagpapakita ng wagas na pagmamahalan"
~bee_buddy~


----------------
Rhia's Pov.

It's been one week since nagstay ako sa bahay ng bodyguard ko or should I say sa bahay ni clarence. Nakasanayan ko narin na tawagin siyang clarcy since mas gusto ko ako lang tumatawag sakanya ng ganun at common kase kung tatawagin ko siyang bodyguard.

Siya ang naging maid at bodyguard ko since hindi niya naman ako maasahan sa gawaing bahay. Well all I know is kung paano magligpit ng higaan and that's all. Siya narin mismo naglalaba ng damit ko at masasabi kong husband materials siya.

He has the look, body, magaling magluto, magaling sa bahay at maalaga. Siguro ganun siya pinalaki ng magulang niya pero speaking of his parents, pansin kong ni isang litrato or family picture nila ay wala, lalo tuloy ako nacucurios sakanya.

Hindi ko alam kung paano ako nakatiis ng isang linggo sa bahay na ganto with him at mas lalong hindi ko alam kung bakit parang may iba na ata sakin, sa ugali ko na siya lang nagpabago.

"Clarcy bakit sa palayok ka nagluluto?" tanong ko sakanya.

"Dahil may kakaibang sarap na binibigay ang palayok kapag dito ka nagluto" paliwanag niya kaya naman namangha ako.

"Ahhh ganun pala" mahinang saad ko.

"Clarcy matanong ko lang because of my curiousity" saad ko sakanya habang pinagmamasadan ko siyang nagluluto.

"Curious...sakin, my lady?"

"ahh yeah"

"Limitation my lady" nakangising aniya kaya naman inirapan ko lang siya.

"Wag kang feeling dyan"

"Hahaha opo my lady. Ano nga pala itatanong mo?"

"About sa magulang mo" saad ko sakanya. Ang kaninang masayahing mukha niya ay napalitan ng ibang emosyon na hindi ko mahulaan.

"Bakit gusto mong malaman tungkol sa magulang ko?" mariin aniya ng nakatingin sakin ng mariin kaya naman napalunok ako.

"Ahh k-kase I want to know about you since b-bodyguard kita" nauutal kong saad sakanya.

"Mahirap lang kami at hanggang dun lang ang sasabihin ko" aniya.

"Pero dapat makilala kita lalo na sa mga tungkol sayo at sa buh---"

"Nasabi ko na lahat my lady. Kumain ka nalang" cold niyang saad at nagsimula na siyang maghain.

Pareho kaming tahimik na kumakain at parang naging awkward kami ngayon.

Meron bako nasabing mali?.

Dahil sa reaksyon niya ay lalo tuloy ako nacurious sakanya. Parang may tinatago siya na dapat kong malaman. Hindi ko alam kung bakit may tumutulak sakin na kilalanin siya ng mariin.

"Tapos nako" saad ko sakanya at lumabas muna ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Mas malamig pa siya sa aircon namin.

Nanatili lamang ako nakatingin sa bukirin. May mga ibon din akong nakita na nasa bukid na hindi ko malaman kung anong ibon siya.

"Ano kayang ibon yang puti nayan?" mahinang tanong ko.

"Tagak ang tawag dyan" aniya ng isang lalake kaya naman masigla akong lumingon dahil akala ko si clarcy yun ngunit si darwin ang nakita ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Manghuhuli ako ng isda" aniya at nakita kong may hawak siyang pamimwit ng isda. "Sama ka?" nakatinging aniya.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon