Chapter16-Fallin

66 19 0
                                    

Fallin

"Pagkasabay ng aking pagkahulog,Ako ba'y masasalo mo?"
~bee_buddy~

-------------------
Clarence's Pov.

Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo niya.

Nakakarinding palagi ko siyang sinasaway lalo na kakagaling niya lang sa lagnat.

Ako na nga nag-aalala sakanya pero umiral nanaman ang pagiging brat niya.

Kahapon okay naman kami, ngayon parang lalo ata tumigas ang ulo niya.

"Diba sinabi ko na magpahinga ka muna. Antigas talaga ng ulo mo" sita ko sakanya.

Kita ko ang mamula-mula niyang mga paa.

Agad ko siyang sinuutan ng slippers niya. Malamig ang lupa tapos mag-papaa siya.

"Kahit kailan" timping saad ko sakanya.

"Look, I'm okay kaya wag ka ngang OA dyan"

Bumuntong hininga nalang ako para maibsan ang galit at inis na nararamdaman ko.

"Okay lang ako. Medyo sinat nalang naman nararamdaman ko"

Umiling ako bago ako pumunta sa niluluto ko.

"Ano nanaman ba ginagawa mo dito?" baling na tanong ko sakanya.

"Bakit ba? Masama bang tignan ko ang ginagawa mo. Daig mo pa babaeng may dalaw"

"Just stay there" utos ko sakanya pero here she is. Nakataray mode nanaman.

"Rhia" nauubos na pasensiyang saad ko sakanya.

"Fine urghh" padabog siyang umupo. Umaastang bata nanaman.

Nagkonsentreyt ako sa pagluluto ko para hindi siya magreklamo sa luto ko.

"Lalabas muna ako" aniya.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ko sakanya at agad akong humarang sa dadaanan niya.

"Bitawan mo nga ako" utos niya sakin.

"Saan ka muna pupunta ng gabi na" paalala ko sakanya.

"Dyan lang ako sa tabi-tabi. Bored nako dito sa loob. Gusto ko sana matuto ng ginagawa mo kaso ikaw na bwisit ka, kung pagalitan moko parang ikaw yung amo dito...bodyguard lang kita kaya wag kang umastang parang boyfriend kita because that will never gonna happen" gigil na aniya at para nanaman siyang sumabog na kettle.

Tama siya, sino ba naman ako sakanya. Isang anak mahirap na bodyguard niya na naghihiganti sa

"Sabagay ...sino bako sayo?" malamig na saad ko sakanya bago ko siya tinalikuran.

I calm myself habang nakahawak ako ng mariin sa sandok.

I want to punch everything that I see pero mas pinili kong kumalma.

Naghain nako at kumain narin. Alam ko naman na ayaw niya ako makasamang kumain ngayon.

"Kumain ka na. Iwan mo nalang pinagkainan mo dyan pagkatapos mo" saad ko sakanya bago ako lumabas.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon