Chapter13-Fever

87 19 1
                                    

Fever

"Ang init ng ating katawan, Iba ang pinaparamdam"
~bee_buddy~

--------------
Rhia's Pov.

Hindi ko alam kung ano na ba label namin. Kung kami na ba or kaibigan lang or hanggang amo lang at bodyguard ang peg namin pero walang bodyguard na hahalikan ka ng dalawang beses na.

Gusto ko man komprontahin siya pero hindi ko magawa because I'm scared of something.

Natatakot ako na baka...

Baka.....

Baka mareject ako.

It's not my ego thing kundi hindi ko pa nararanasan na mareject in all my life.

Sa dami ng nanligaw sakin ay isa palang ang totoong minahal ko at ang iba kundi reject ay flirt lang.

Aaminin kong wild din ako when I'm on a legal age. Wild na katamtaman lang. Yung tipong hang out with the other guy. Yung makikipaglandian lang and after that break-up din agad. Yes marami nakong nakadate but yeah most of them may kasamang hug and kiss pero pili din.

Hanggang sa makilala ko ang lalakeng akala ko ay siya na ang magmamahal sakin. Syempre thou maarte ako, gusto ko parin maranasan ang katulad na love story nila mommy and daddy. Yung till death do us apart ay sila padin.

Every girls dream that, I'm sure of it.

Hindi kaya masaktan lang din nanaman ako sakanya?.

Isa rin sa kinakatakot ko, ang masaktan ulit ng todo.

Nakakatakot ng sumugal ulit...

Ramdam ko ang biglang bigat ng pakiramdam ko dahil siguro kahapon.

Ewan ko ba kung bakit para akong lantang gulay ngayon.

"Rhia bangon na" aniya ni clarcy na nasa baba. For sure nagluluto na siya.

"I don't want too" nanghihinang saad ko.

Feeling ko may something sakin ngayon.

"Nakalabas na ang araw pero ayaw mo parin bumangon".

"Urghhh shut up" naiiritang saad ko.

Ang ingay-ingay niya kase as always naman haystt di pa kase ako nasanay.

Akmang babangon na sana ako ng maramdaman ko na hindi ko kayang umupo o igalaw manlang ang katawan ko.

Daig ko pa tuloy na stroke.

"Tanghali na rhia" aniya.

"Clarcy naman shut up please" mahinang saad ko.

Hindi ko talaga kayang gumalaw at parang nahihilo pako.

"Okay kalang ba, namumutla ka" nag-aalalang aniya.

"Just shut up clarcy kahit yun lang" naiiritang saad ko sakanya.

Sinipat niya ang noo ko.

"Ang init mo" aniya.

Kaya pala ganto katawan ko, may lagnat na pala ako.

Well nakalimutan ko na madali lang ako magkasakit kapag nagpaulan ako.

Bakit naman kase nagiging makakalimutin kana rhia...

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon