Chapter10-Unfamiliar feeling

76 20 0
                                    

Unfamiliar Feeling

"Sa tuwing magkakalapat ang ating kamay, kakaibang pakiramdam ang dumadaloy sa aking katawan"
~bee_buddy~

-------------
Rhia's Pov.

Nanatili kami sa tree house niya habang pinagmamasadan namin na lumubog ang araw.

"Nabobored nako" saad ko habang nakatingin ako sa langit na ngayon ay kulay orange na may halong pink.

"Gusto mo na bang umuwi my lady?" tanong sakin ni clarcy.

"Call me rhia, nabubugnot nako kakatawag mo sakain ng my lady. Masyado kang formal magsalita samantanlang ang suot mo lang t-shirt at short" saad ko sakanya.

"Kung yan ang nais mo rhia" aniya ngunit iba ata talaga ang dinig ko kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Para bang masyadong sweet.

"Arat laro tayo" baling na tanong ko sakanya.

"Arat?" nagtatakang tanong niya.

"Arat means tara. Binaliktad ko lang" paliwanang ko sakanya. Bahagya naman siyang tumungo. "Laro tayo" saad ko sakanya.

"Anong laro naman my la...rhia?"

"Q AND A" saad ko sakanya.

"Q and A?"

"Question and Answer" napairap kong saad sakanya. Para q and a lang hindi niya pa alam.

"Ahh hahaha sige" aniya.

"Kapag nagtanong dapat sasagutin, kapag ayaw sagutin yung tanong pipitikin ang noo" paliwanang ko sakanya at tumungo lang siya. "Since ako nakapag-isip ng game, ako unang magtatanong" saad ko sakanya.

"So ang tanong ko...hmm...ilang taon kana?" tanong ko sakanya.

"22" maigsing aniya.

"Wehhh 22 kana?"

"Oo nga, pogi lang ako kaya kala nila 20 palang ako" aniya niya ng nakangisi pa kaya naman napairap nalang ako.

"Feeling mo noh. Magtanong ka na nga lang" naiiritang saad ko sakanya na nagpatawa lang sakanya.

"Ikaw ilang taon kana?"

"20" maigsing saad ko din sakanya.

"Para ka lang 18 parang bata" aniya.

"What! Ako bata!"

"Oo isip bata"

"Abat !"

"Hahaha ilong mo lumalake"

"Shut up!!" sigaw ko sakanya. "Ako na magtatanong kaya manahimik ka dyan" saad ko sakanya.

"Anong totoo mong pangalan?"

"Ako si Clarence Terris" aniya at napakapit pa sa dibdib niya na tila may iniinda.

"B-bakit? A-anong nangyayare sayo?" natatarantang tanong ko sakanya.

"Ansakit ng puso ko rhia dahil hindi mo manlang alam ang pangalan ko" madamdaming aniya kaya naman hindi ko na napagilan at binatukan ko siya. "Aray!" aniya.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon