Chapter6-Bitter

88 22 2
                                    

Bitter

"Mahirap ng magsimula muli, mahirap ng ibalik ang dating sarili"
~bee_buddy~

---------------
Rhia's Pov.

Nagising ako dahil sa liwanang na nanggagaling sa bintana. Bumangon ako at napansin kong wala na ang katabi ko kagabi kaya naman lumabas agad ako dahil baka mamaya iniwan niya ako dito mag-isa.

Paglabas ko ay hindi ko alam kung nakakita bako ng kumikinang na tinapay o sadyang kumikinang lang ang abs niya.

Madami nakong nakitaan ng malalakeng katawan na may abs pero hindi ko alam kung bakit sakanya lang ako naaakit na lalo siyang titigan habang nagsisibak siya ng mga kahoy. Kita ko ang flex ng muscle ng braso niya habang hawak ang axe. Ngayon ko lang napansin na moreno pala siya.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya sakin ng mapansin niya ako. Agad naman akong umiwas ng tingin ng humarap siya sakin.

Bakit ba naiilang ako sakanya urghhh.

"H-hindi kakagising ko lang" pagsisinungaling ko. Bahagya ako naglakad papalayo sakanya habang  tanaw ko ang malawak na bukirin at bundok sa malayo. Ang lamig pala dito sa probinsya parang aircon nadin at ang sariwa pa ang hangin.

Ramdam ko naman ang presensiya ng isang tao sa likod ko kaya nilingon ko ito at napalunok ako dahil asa harapan ko lang naman siya. Pawisan pero amoy ko parin ang bango ng katawan niya. Malapitan ko tuloy nakikita ang pawis niyang tumutulo pababa sa abs niya hanggang V line niya.

"Bakit parang ang ganda ata ng view" wala sa sariling saad ko habang tulala parin sakanya...sakanyang walong abs.

"Baka matunaw ang katawan ko nyan" aniya na nagpabalik sakin sa katinuan.

Urghhh did he notice me.

"Umalis ka nga dyan sayang yung magandang view sa likod mo" kunyareng galit-galitang saad ko sakanya pero nanatili lang siya sa pwesto niya. "Sinabing!...a-anong ginagawa mo" natataranta kong saad sakanya ng papalit siya sakin kaya naman humakbang ako patalikod.

Seryoso ang mukha niyang papalapit sakin na lalong nagpakaba sakin. Ang mata niya na hindi ko mabasa ang gustong ipahiwatig.

Wala nakong nagawa kundi humakbang lang ng humakbang patalikod hanggang sa mapahinto ako ng mapagtanto ko na may puno pala sa likod ko.

Damn bakit ba lagi nalang ako nakocorner.

"L-lumayo ka nga sakin ang b-baho mo" pagsisinungaling ko ngunit bigla nalang siyang yumuko at ngayon ay magkapantay na ang mukha namin.

Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko at pagbilis ng tibok ng puso ko habang unti-unti niya nilalapit ang mukha niya sakin.

Is he going to kiss me?.

Unti-unti nalang ako napapikit ng maramdaman ko ilang dipa nalang ang layo ng labi niya sa labi ko.

"Kukunin ko lang damit ko" bulong niya sa tenga ko bago siya may hinablot sa isang sanga ng puno.

Sinuot niya ang puting shirt niya na nasa harapan ko habang ako nandun lang nakatingin sakanya.

"Tara" aniya ng hindi manlang ako nililingon. Pansin ko din ang madalas niyang pagiging seryoso.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon