Chapter11-Plan

75 21 2
                                    

Plan

"Sisimulan na ang dapat simulan nung una palang, Hanggang sa makamit ang dapat makamtan"
~bee_buddy~

-----------------
Clarence's Pov.

Sinadya ko talagang magtulug-tulugan para pakiramdaman ko siya.

Ang gaan lang ng ulo niya na nakadagan sa braso ko. Kahit siguro 24 hours niyang gawing unan ang braso ko ay hindi manlang ako mangangawit. Kung sabagay sa liit niya ba naman ay alam kong magaan lang siya.

Ramdam ko ang pagharap niya sakin bagamat nakapikit ako. Natrain din kase kami ng nakapiring ang mga mata at pinapakiramdaman lamang ang nasa paligid kaya alam na alam ko na kung anong ginagawa ng nasa paligid ko.

"Alam mo gwapo ka sana kaso bwisit lang" bulong niya ngunit narinig ko parin ito.

Gusto ko sanang imulat ang mata ko at gulatin siya ngunit alam ko na maiilang lang siya kaya nagmaang-maangan nalang ako.

"Goodnight" aniya at alam ko na hinihila na siya ng kaantukan.

Nang masilip kong tulog na siya ay duon ko lamang binuksan ang mata ko.

Nakaharap siya ngayon sakin. Siguro kung ibang lalake lang ay alam kong pagsasamantalahan na siya dahil maganda siya at maganda rin ang hubog ng katawan. Kahit ako mismo ay nagtitimpi lang ako sakanya.

Malaya kong napagmamasadan ang mukha niyang mapayapa.

Hindi ko alam na magiging open siya sakin dahil alam ko na masungit siya. Natutuwa din ako na nakikita kong naiinis siya dahil kahit galit siya ay maganda parin siya. Kakaibang babae nga naman.

Alam kong may kakaiba nakong nararamdaman dahil sakanya ngunit hindi ko parin malilimutan ang plano ko kaya ako nandito ngayon.

"Mapapaibig din kita" mahinang saad ko sakanya.

Pinagsiklop ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Halong pagtitimpi lang ang ginagawa ko na kahit gusto ko nadin siyang pahirapan dahil sa ginawa ng magulang niya.

Hindi ako pwede umibig sayo dahil isa ka sa dahilan kung bakit nagagalit ako.

15 years ago.....

"Nanay nakita ko po yung kotse nila Yanson, bakit po sila laging nandito?" tanong ko kay nanany habang nagluluto siya ng pinakbet. Specialty ng mga ilocano.

"Kayat da alain ajay daga itta purok alicia" saad ni nanany.
(Gusto nila kunin yung lupa sa purok alicia)

"Appay po?" tanong ko.
(Bakit po)

"Gusto nila magpatayo ng hotel dito kaya gusto nilang bilhin ang lupa dito" paliwanag ni tatay na ngayon ay naghahanda na para magsaka.

"Pumayag po kayo?"

"Haan" aniya ni nanay.
(Hindi)

"Pinagbilin samin ng may-ari ng lupa bago pumanaw na wag ipagbibili ang lupa niya" aniya ni nanay at naghain na sa lamesa.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon