Chapter22-Shocked

66 20 2
                                    

Shocked

"Mahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi nakita, Mas mahirap paniwalaan ang isang bagay na akala mo ay para sayo pero hindi pala"
~bee_buddy~

----------------
Rhia's Pov.

"Daddy? Bat nandito po kayo?" takang tanong ko kay daddy na ngayon ay nasa harapan na namin.

Hindi siya bumaling sakin na tila ba hindi ako narinig.

Inalalayan ako ni clacry tumayo at ramdam ko sa paghawak niya sa braso ko na kinakabahan siya.

Bakit siya kinakabahan?.

"Daddy?" ulit na saad ko bago siya bumaling sakin.

"Uuwi na tayo" maotoridad na aniya.

"Sige po miss na miss ko narin po kayo daddy" masiglang saad ko bago ako bumaling kay clarcy na ngayon ay bakas ang pagkatakot sa mukha na nakatingin kay daddy. "Sasama ka sa manila ha" masiglang saad ko sakanya ng bumaling siya sakin.

"Rhia umalis ka sa lalakeng yan!"

"Pero bakit daddy?" nagtatakang tanong ko pabalik kay daddy.

Nagulat nalang ako ng may humawak sakin at maging kay clarcy upang pag hiwalayin kami.

"Ipasok niyo sa kotse ang anak ko" tila kulog na utos ni daddy sa bodyguard niyang may hawak-hawak sakin.

Agad akong nagpupumiglas ng simulan nila ako kaladkarin.

"No get off of me! Urghhhh get off of me!" sigaw ko sakanila at pinagsisipa ko sila sa tuhod nila na hindi manlang sila nasaktan.

"Daddy! Help me" sigaw ko kay daddy pero bigo ako na hindi manlang ako lingunin ni daddy.

"Urghhh I will kill you!" galit na sigaw ko sa lalakeng may hawak sakin na ngayon ay nilalayo nako sa daddy ko at kay clarcy ko.

Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ng dahil sa frustration at gulo ng isipan ko kung ano bang nangyayare.

"Clarcy!!" sigaw ko ng makita kong napaluhod siya ng suntukin siya ni daddy.

Agad ako natulos at tila nawalan ako ng lakas ng bigla siyang tadyakan ng isang lalake sa mukha niya.

"No please, please...wag niyo siya sasaktan" nagmamakaawang saad ko na alam kong hindi nila maririnig dahil sa malayo na kami sakanila.

Nalagpasan namin ang kotse na kung saan kami sumakay upang magtago pansamantala dito sakanila.

Nanghihina ang tuhod ko at halos di nako makagalaw dahil sa nakita ko.

Why daddy? Why!!.

Gulat akong mapatingin na may kotse ng pulis at dalawang van na itim na familiar sakin ang isa dahil one time ko narin nasakyan ito nung sinundo ako ng driver namin.

Lumabas duon si mang pito na driver namin sa mansyon.

"Pumasok na po kayo ma'am sa loob" aniya pero agad kong tinabig ang kamay niya.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon