Chapter7-Selos

94 20 2
                                    

Selos

"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman, Sa tuwing may kasama kang iba na sana ako nalang"
~bee_buddy~

-------------------
Rhia's Pov.

Nagising nalang ako ng maramdaman kong basa ang pisngi ko, marahil sa pag-iyak ko bago ako nakatulog kanina. Nakarinig naman ako ng boses ng isang lalake at isang babae na nagtatawanan kaya naman yamot akong tumayo at lumabas. Nadatnan ko silang dalawa nakaupo sa damuhan habang naglalandian. Napairap nalang ako at sinadya ko talaga maghubad ng sando ko at natira ang sport bra ko.

Namiss ko nadin kase magyoga kahit hapon na. Perfect place din naman dito lalo na peaceful ang paligid.

"B-bakit nakahubad ka?" nagtatakang tanong sakin ni lena at tinakpan pa ang mata ni bwisit. Bahagya ako napairap dahil I'm not totally naked stupid girl.

"May damit pako kaya wag kang OA" saad ko sakanya at nilatag ko sa damuhan ang yoga mat ko na binili namin kaninang umaga.

"Hindi dapat ganyang ang ginagawa ng isang babae" aniya as if I care.

"Probinsyana nga naman" mahinang saad ko ng hindi manlang siya tinignan. Nagsimula nako magyoga kahit alam ko na may nanonood sakin.

Hindi pa man umiinit ang butt ko sa pagkakaupo ng may bumuhat sakin na pang bridal style at binuhat ako papasok sa bahay.

"What the fuck!" galit kong sigaw kay bwisit.

"Masyado mong pinapakita ang katawan mo" aniya ng mariin na nakatitig sakin.

"Ano bang pake mo ha! Dun ka nga sa babaeng yun at maglandian kayo. Wala akong pake kahit ano pang gawin niyo" saad ko sakanya at lalabas sana ng humarang siya sa dadaanan ko.

"Get out of my way!"

"No" galit niyang saad.

Abah siya may ganang magalit ngayon.

"Bodyguard kita at ako ang amo mo so back off!" naiinis na saad ko sakanya at nagtangka ulit ako na lumabas ngunit sadyang dahil sa malake niyang katawan na nakaharang sa pintuan ay hindi ako makalabas.

Nilabanan ko ang tingin niya sakin kahit medyo naiilang ako.

"Bodyguard moko at duty ko na masiguradong ligtas ka" aniya.

"Hahahaha seriously? Dito sa lugar na to na walang katao-tao. Nagpapatawa kaba?" natatawa kong saad sakanya habang siya ay wala parin pinagbago ang tingin niya.

"Your Rhia Yanson and I'm your bodyguard to protect you and to make sure that you are safe got that" maotoridad niyang saad. "Change your clothes before you go out" mariing saad niya bago lumabas habang ako naiwang tulala dahil for the first time ko lang siya narinig na magsalita ng straight english.

Hindi nako lumabas at nagbihis nalang habang nakasalampak lang ako sa comforter. How I miss my dad and reinz. I miss my old life with them.

Since board ako at may ilang percent pa naman ang phone ko. Magfafacebook sana ako ng maalala ko na wala nga palang signal dito so I just check some photos of mine since nakakabored din naman maglaro ng games. Sa kakascroll ko may nakita ako na pic na hindi ko pa pala nabubura noon. Picture namin kung saan at kailan naging kami.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon