Chapter12-Happiness

82 19 1
                                    

Hapiness

"Salamat sa isang araw ng kasiyahan, Na gusto kong maramdaman nung una palang"
~bee_buddy~

---------------
Rhia's Pov.

Ramdam ko na may nakatingin sakin kahit nakapikit pako. Nang maimulat ko ang mata ko ay tumambad sakin ang mata niyang malamlam.

Hindi ko alam kung bakit bigla tuloy ako nailang dahil sa tingin niya.

"K-kanina kapa gising?" tanong ko sakanya ng makaupo ako. Kinusot ko pa ang mga mata ko para icheck kung may mga muta ako.

Pero bakit ba naging concious ako ngayon urghhh...

"Umaga palang ay gising nako" nakangiting aniya at ngayon ko lang napansin na may mainit na kanin sa may dahon ng saging at ulam sa isang mangkok na plastic.

"I-ikaw nagluto niyan?" tanong ko sakanya ng makita ko ang madaming pagkain.

May mangga na hinog na nakakatakam. May mainit na kanin, at hindi ko na alam ang iba niya pang hinanda.

Nakita niya siguro ang pagkunot ng noo dahilan para bahagya siyang matawa.

"Itong nasa mangkok, yan ang sinampalukang isda, namingwit pako sa katabing ilog para fresh na isda ang makain mo at ginamit ko naman ang dahon ng sampalok para pampaasim" aniya at nakita ko ang masarap na nakakatakam na amoy ng niluto niyang sinampalukang isdang sinasabi niya.

Halos tuloy maglaway nako.

"Yaan naman ay kamatis na may pulang itlog" aniya at tinuro ang sinasabi niya. "Alam kong hindi mo alam ang pulang itlog kaya naman ipapaintindi ko nalang sayo kung bakit tinawag siyang pulang itlog o maalat na itlog." aniya kaya naman tumungo nalang ako.

"Kaya siya tinawag na pulang itlog o maalat na itlog dahil ang shell niya ay kulay pula dahil sa food color na nilagay nila. Maalat naman dahil maalat siya. Iba siya ordinaryong itlog na nakakain mo dahil yun walang lasa habang ang pulang itlog naman ay may lasa na" aniya kaya naman naamaze ako sa bagong nalaman ko.

"Safe bayang kainin?" tanong ko sakanya.

"Hahaha malinis yan dahil ang nanay ni lena ang gumawa nyan kaya safe kainin" aniya niya kaya naman napairap nanaman ako ng kay aga-aga dahil sa bwisit na lenang yun. Bakit naman kase kailangan pa na banggitin pangalan ng bwisit nayun.

Speaking of that witch.

"Ehem...kwentuhan mo nga ako kay lena" kunyareng interesado kong saad sakanya habang sinisimulan ko ng kumain.

"Mamaya na lang Rhia dahil mas masarap kumain ng taimtim kesa magsalita habang may laman ang bunganga dahil hindi mo malalasahan ang isang pagkain kung hindi mo nanamnamin" aniya na parang matanda na kaya naman napairap nalang ako.

Siya na ang nagsandok ng makakain namin. Gaya ng laging ginagawa niya ay may sarili akong plastic na spoon na ginagamit ko habang siya naman ay kamay-kamay na kumakain. Nung una nandidiri ako pero hindi naman siya makalat kumain kaya okay nadin sakin.

Humigop ako ng sabaw sa niluto niyang isdang sinampalukan at infairness ansarap. Parang sinigang lang na niluluto ni mommy.

Haysst namiss ko nanaman si mommy.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon