Chapter15-Game

74 21 1
                                    

Game

"Kung nais mo ng laro, sasabay ako hanggang sa ikaw ang matalo"
~bee_buddy~

----------------
Rhia's Pov.

Pikit matang humakbang ako papalayo sa kanya...sakanilang dalawa.

Tila lahat ng energy ko ay naubos sa isang iglap lang.

Ansakit....sobra.

Gusto kong umiyak pero parang wala nakong luhang pwedeng ilabas.

Iyak

Pagod

Sakit

At galit ang nararamdaman ko na humalo-halo sa system ko.

"Hahaha puta, nagkanda pagod-pagod akong hanapin ka tapos makikita kitang may kasamang lintik na bwisit na lena nayan" natatawang saad ko habang patalikod na hangkang ang ginagawa ko.

Tanaw ko pa sa onting siwang ang matamis na ngiti ni clarcy at ganun din si lena.

Rinig na rinig ko pa ang tawa nila.

Gusto kong magwala.

Gusto kong sumigaw dahil sa sakit.

Mahal ko na siya.

Kung kailan ko pa na confirm tyaka naman may gantong eksena.

"Putang sakit nato urghhhhh" mahinang gigil na saad ko na halos gusto kong putulin yung bamboo para tumumba sa dalawa.

Umupo ako ng padating na si darwin na may dala-dala sa kamay niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya hinarap.

"A-ano yan?" hirap na saad ko dahil nanginginig parin ako sa galit.

"Ahhh betadine at bulak" aniya.

"Baka cheap yan" ginawa kong casual ang tono ng pananalita ko baka kase mahalata niya ako.

"Arte nito. Edi sige hayaan nalang natin dumugo yan"

"Sabi ko nga gamutin mo na ko" saad ko sakanya at napangisi naman siya.

Habang ginagamot niya ang sugat ko ay sa iba ko binaling ang paningin ko.

Nakatanaw lang ako sa mga puno na tila sila clarcy at lena yun.

Dahil sa galit ay hindi ko na namalayan na nakasarado na ang kamao ko.

"Masakit ba?" malumanay na tanong niya sakin habang patuloy niyang ginagamot ang sugat ko.

"Hindi" saad ko.

Hindi...dahil mas masakit ngayon ang puso ko.

"Hindi...kaya pala umiiyak kana ngayon" nakangising aniya kaya naman chineck ko ang pisngi ko na basa na dahil sa mga luha ko.

Ni hindi ko manlang namalayan na umiiyak na pala ako.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon