Chapter8-Back To Normal

89 23 0
                                    

Back To Normal

"Nais kong simulan, ang dating ating pinagmulan"
~bee_buddy~

---------------
Clarence's Pov.

Simula ng halikan ko siya naging mailap siya sakin.  Alam ko na nakakailang kahit ako ay hindi ko lubos maisip kung bakit hinalikan ko siya. Ang alam ko lang ay nagalit ako dahil sa sinabi niya at makita ang isang lalake na mukhang dayo na kasama niya kahapon.

"My lady" mahinahong saad ko sakanya habang siya ay nanatiling nakatalikod na nakahiga. Alam kong gising na siya dahil kita ko ang bahagya niyang pag-galaw.

"Paumanhin sa ginawa ko kahapon. Sana mapatawad moko my lady. Hindi ko nais h-halikan ka" saad ko sakanya pero wala parin siyang sinabi kaya napabuntong hinga nalang ako.

That kiss is just a mistake. I don't know why I have to kissed her not once but twice.

Lumabas muna ako para magpahangin.

"Ano ba kase pumasok sa isipan mo kupeng" naiinis kong saad at bahagya kong sinabunatan ang buhok ko dahil sa gulo ng isipan ko.

Ilang minuto muna ako nagpalamig bago ako pumasok at nagluto ng pagkain namin. Alam kong gutom na siya dahil pagkauwi namin kahapon ay dumiretsyo na siyang nahiga at hindi manlang ako kinausap.

Habang hinihintay ko maluto ang pinakbet ay nag-igib muna ako ng tubig para sa pampaligo niya.

Nang matapos kong mag-asikaso ay gigisingin ko na sana siya ng makita ko na nakatayo na siya at hindi manlang ako tinignan.

"Where's my food?" malamig na saad niya.

"W-wait lang" nauutal na saad ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit nauutal ako samantalang natrain ako na straight forward magsalita.

"Dalian mo" aniya at lumabas ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako at naghain nako ng makakain niya. Nagpainit nadin ako ng tubig pampaligo niya dahil alam kong di niya kakayanin ang lamig ng tubig dito sa probinsya.

"My lady k-kumain kana" saad ko sakanya habang siya ay nakatalikod na nakatingin sa bukirin.

"Ok" maigsing aniya at nilagpasan lamang ako kaya hinablot ko ang kamay niya dahil hindi ko na makayanan ang pagiging cold niya.

"What do you want?" aniya at mariin na nakatingin sakin.

"Alam kong galit ka dahil sa ginawa ko" mahinahong saad ko sakanya. "Hindi ko gustong halikan ka. Pasensiya na kung nagkamali ako my lady" paumanhin ko sakanya.

"Ok" aniya na nagpagulo sa isipan ko.

"Ok lang?"

"What do you expect me to say" cold na aniya at hinablot ang kamay niya na hawak ko kanina. "Hah what did you expect me to say!" sigaw niya sakin.

"Look I know it's my fault and I'm really sorry for kissing you please forgive me. That kissed hasn't no meani---"

"Just fucking shut up okay! Dahil sayo! D-dahil sayo!!!" naluluhang sigaw niya habang dinuduro ang dibdib ko.

"All the memories that I want to erased, just fucking one kiss and all came back! A-alam mo ba kung gaano kasakit yun ha!" sigaw niya habang ako ay nakatingin lang sa mata niyang bakas ang lungkot at sakit.

Ngayon ko lang siya nakitang ganto dahil ang pagkakakilala ko sakanya ay isang matapang na babae, spoil brat at napakasensitive but all of it already gone in just one kiss.

Hindi ko na nakayanan at niyakap ko nalang siya. Nanatili siyang umiiyak na tila isang batang inapi na walang kalaban-laban.

"Tahan na my lady...tahan na"  pag-aalo ko sakanya.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon