Chapter14-Pain

84 19 1
                                    

Pain

"Una palang sana sinabi mo na agad, Hindi ngayon na parang nalimot na ang lahat"
~bee_buddy~

------------------
Rhia's Pov.

Maghapon lang kami nanatili sa labas nanakaupo sa damuhan habang nakasandal parin ang ulo ko sakanya.

"Hindi kaba nangangalay clarcy?" nakapikit na tanong ko sakanya. Gusto ko kase pakinggan ang nasa paligid na nagpapa-calm sa katawan ko.

Umiling lang siya.

"Alam mo bang first time kong isandal ang ulo ko sa isang tao at sa bodyguard ko pa" natatawang saad ko habang nakapikit parin ako.

Nung kami ng ex ko ay ni minsan hindi ako nakapagpahinga sa bisig niya. Ewan ko nga ba kung bakit minahal ko siya. Well we can't teach our heart kung anong gagawin niya or kung sino ang mamahalin niya.

I just fall inlove with him ng hindi ko manlang namalayan.

Sweet naman siya, gwapo and manly ang katawan niya. Mayaman like me. Sikat din siya since same kaming model. Siguro minahal ko siya dahil mahal ko talaga siya.

Alam ko naman ang pinagkaiba ng flirt sa love. Ang sakanya ay love not just flirt. Hindi rin naman kami tatagal ng almost one year kung hindi niya rin ako minahal...pero ewan ko kung minahal niya ba talaga ako.

"Naranasan mo na ba ang magmahal at masaktan?" tanong ko sakanya at tumango lang siya kaya napapout tuloy ako.

Sino naman kaya naging ex niya...

Bakit parang nagseselos ata ako...

Baka nga lang ba? O selos na talaga..urghhh nvm.

"Ako din, sobra" mahinang saad ko.

Tumingala ako sa langit na ngayon ay papalubog na ang araw. Ano mang oras ay papagabi na ulit just like love, minsan nandyan ang hapiness at napapalitan din ng sadness.

Bitter ko ba?....

Well alam ko na naman na duh...

"Yung tipong, I feel I'm not enough" napapalunok na saad ko. Kinurap ko pa ang mata ko para pigilan ang luha ko.

"Hahaha ewan ko ba kung bakit" malungkot na saad ko. Ramdam ko naman ang tingin niya sakin bago ako bumaling sakanya.

Kita ko ang seryoso niyang aura na lalong nagpapogi sakanya.

"Why even thou I'm beautiful and sexy pero hindi parin ako enough" mapait na saad ko.

Parang kailangan ko na ata ng wine kaso alam ko naman walang wine dito. Gusto ko maglaklak hanggang makatulog ako tapos pag-gising balik to normal nanaman ako na kunyare okay lang.

"I...I'm tired saying Rhia your okay. Like Rhia maganda ka wag kang tanga...like rhia kulang ka pa ata" saad ko at tuluyan ng umagos ang luha ko.

"Why love is so complicated?. Bakit kailangan pa tayo masaktan? Hindi ba pwedeng magmahal nalang ng hindi na nasasaktan at puro kasiyahan nalang" natatawang saad ko habang lumuluha ang mata ko. Mukha na tuloy akong baliw.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon