Chapter18-Knowing Him

70 20 0
                                    

Knowing Him

"Isang katangian ang aking nagustuhan, Lalo nalulong sayong pagmamahal"
~bee_buddy~

----------------
Rhia's Pov.

Simula nang nagkaaminan kami or should I say ako lang pala umamin sakanya pero sabi niya sakin naman akin na siya.

Totally hindi ko alam ang nararamdaman niya sakin pero I'm sure of it na gusto niya din ako based sa pinaparamdam niya sakin.

It's been a week since the day that we shared a kiss. Shared a laughter and shared a love.

"Clarcy?" mahinang tawag ko sakanya habang yakap-yakap niya ako sa likudan habang nakaupo kami sa tree house niya.

"Hmmm?" ungol niya.

Sumilip ako sa mukha niya at kita ko ang eyebags sa ilalim ng mata niya. Pansin ko rin na hindi siya masyado nakakatulog ng maayos hindi dahil sakin pero sa ibang bagay ata.

Nakakawa naman ang clarcy ko.

Inilapit ko ang ulo niya sa balikat ko. "Take a nap clacry ko. I'm sure your very sleepy." saad ko sakanya. Hindi naman siya umangal.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Antok na antok siguro talaga siya while his breath tickled me.

Ramdam ko ang pagtaas-baba ng balikat niya at ang malalim na paghinga niya.

Ayokong gumalaw dahil baka magising ko siya. Gusto kong makapagpahinga naman siya. Lagi niya nalang kase ako inuuna.

Mahinhing kong hinahaplos ang pisngi niya habang nakatingin ako sa harapan. Pinagmamasdan ang mga butterfly and dragonfly na dumadapo sa mga bulaklak.

Tanging huni ng pagaspas ng mga dahon ng puno,huni ng mga ibon at huni ng malalim niyang paghinga ang naririnig ko.

I started to hym. Namimiss ko narin kumanta. Hindi sa pagmamayabang well yeah ipagyayabang ko narin na maganda ang boses ko just like my face.

"Marunong kang kumanta?" paos na boses na aniya. Bahagya ko siyang sinilip habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Ahhh sorry clarcy ko...nagising ba kita?" malambing na tanong ko sakanya na agad naman siya umiling.

"Ahmm gusto mo bang kantahan kita?"

"Pwede ba rhia ko?"

"Oo naman...ikaw pa" masiglang saad ko sakanya.

"P-pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" aniya at nagtama ang mga mata namin.

"Hahaha oo naman" saad ko sakanya. Pwede niya naman kaseng gawin ang gusto niya sakin pero ewan ko ba kung bakit kailangan niya pang mag paalam bago gawin ang nais niya. Such a gentelman.

Marahan niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan niya muna ito na nagpablush sakin bago niya inihaplos ito sa mukha niya.

Para siyang kuting na naghahanap ng hahaplos sa balahibo niya.

"Pwede bang haplusin mo ang pinsngi ko habang kinakantahan moko?" parang batang request niya kaya naman sinumulan kong haplusin ang pisngi niya. Sinandal niya ulit ang ulo niya sa balikat ko.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon