Chapter19-Moment

65 20 0
                                    

Moment

"Ala-alang puno ng kasiyahan, Tanim sa puso't isipan hanggang kalaliman"
~bee_buddy~


---------------
Clarence's Pov.

Malalim kong pinag-isipan ang desisyong magpapabago nang lahat.

Habang tulog siya ay hindi ko magawang isipin ang plano na ako mismo ang nabihag.

Walang gabi na hindi ako napupuyat dahil sa kakaisip kung paano ko mapipigilan ang nararamdaman ko para sakanya. Halos mabaliw nako dahil hindi ko aakalain na ako ang mapapaibig niya.

"Hindi dapat ako mahuhulog sayo pero ang puso ko ang napaibig mo" bulong ko habang marahang hinahaplos ko ang mala anghel niyang mukha.

Kinaumagahan ay maaga ako naging upang puntahan ang puntod nila nanay at tatay.

Gaya ng dati ay maaliwalas parin ang paligid. Nandun parin ang krus na nakabaon sa lupa.

"Nay, tay" nanghihinang saad ko habang nakatingin lang ako sa lupang kanilang hinihimlayan.

Kung dati ay galit ang nararamdamn ko ngunit ngayon ay puno ako ng pagmamahal dahil sakanya...bakit siya pa.

"Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Gusto kong maghiganti sakanila pero paano kung mahal ko na po siya. Ako po ang nahulog hindi siya. Mahal na mahal ko po siya nay,tay" naluluhang saad ko dahil hindi ko kaya pang maghiganti sa lahat. Hindi ko na kaya pang kunin ang hustisya para sa magulang ko dahil ayokong mawala siya sakin. Natatakot ako na baka kunin siya sakin dahil sa plano ko.

Nakayukong humahagulgol ako ng maramdaman kong tila may nakalapat sa balikat ko.

Isang dahon na tuyo.

Tumingin ako sa itaas at kita ko ang puno na ang dahon niya ay kulay berde samantalang ang nakuha ko ay tuyong dahon.

"Tay bakit po may bumagsak sa kamy kong tuyong dahon samantalang ang lago naman ng puno ng manggang ito" inosenteng tanong ko kay tatay habang nasa ilalim kami ng puno ng mangga upang sumilong at magpahinga.

"Patingin nga ng hawak mo" aniya ni tatay at pinakita ko sakanya ang nalaglag na dahon.

"Kung nalaglag ang tuyong dahon na to na hindi mo inaasahan...ibig sabihan sagot siya sa iniisip mo" paliwanag sakin ni tatay.

"Iniisip ko?"

"May iniisip kaba kupeng na hindi mo alam kung anong kasagutan?"

May iniisip nga ba ako?...

"Iniisip ko po kase kung kailan tayo yayaman" lokong saad ko kay tatay.

"Naku ikaw na bata ka, kala ko kung ano ang iniisip mo yang yaman lang pala nasa utak mo" suway sakin ni tatay na kalaunan ay napangiti din.

May mga bagay na hindi natin alam ang kasagutan na sa ibang paraan ang pagtugon sa ating isipan.

Pursigido nako sa nakuha kong sagot.

"Salamat nay,tay" masayang saad ko bago ako umuwi sa tahan ko...ang rhia ko.

Inaya ko siya sa tree house upang masinsinan ko sana siyang makausap ngunit sadyang hinihila ako ng kaantukan ko kaya umidlip muna ako ng panandalian sa balikat niya.

He Is My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon