Nagmamasid lang ako sa buong canteen. Kaunti lang ang tao ngayon dito, siguro ngayon lang sila natapos magtrabaho at ngayon lang makakakain. I wonder if Zaimon ate his lunch? Well, hindi ko na dapat 'yon problema.
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na siya kung nasaan ako habang hawak ang isang tray na may lamang pagkain ko. Tumaas ang kilay ko nang makita ang pinakbet at fried chicken doon. Isa isa niya 'yong nilapag sa harapan ko at nang matapos ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Nagtaas siya ng kilay, "what?" He asked dryly.
"Really? I don't eat that." Tinuro ko ang pinakbet na ibinaba niya.
Kumubot ang noo niya kasabay nang pagbuntong hininga, "don't tell me sa edad mong 'yan hindi ka pa rin kumakain ng gulay." Napapantastikuhan niya akong tiningnan.
"That's not it. Hindi lang talaga ako kumakain ng pinakbet. Kumakain ako ng gulay, pero hindi sa ganiyang pagkakaluto." Maarte ko iyong inusog sa direksyon niya.
Inilagay niya ang dila niya sa gilid ng kaniyang pisngi. Halatang nagpipigil ng iritasyon sa akin.
"Sabi mo kasi 'anything' ngayong binigyan kita niyan, hindi mo naman pala kakainin." Umirap ako sa sinabi niya.
"Malay ko ba na 'yan pala ang pagkakaintindi mo sa anything. At malay ko rin ba na iyan ang kukunin mo. Tss." Marahas siyang bumuntong hininga at kinuha ang isang mangkok ng pinakbet bago bumalik sa counter at ibinalik ang kinuhang ulam.
Maya maya pa ay bumalik na siya at may dalang adobo at apple na hiniwa na. Nagtaas ako ng kilay nang ilapag niya 'yon sa harapan ko.
Nagkibit ako ng balikat at nagsimula nang kumain. Narinig ko na naman ang marahas niyang pagbuntong hininga. Napatingin ako sa kaniya at nagtaas ng isang kilay. May pagtatanong sa mga mata.
"Thank you, huh." He said sarcastically that made me frown.
Iyon lang ba ang problema niya? "You're welcome." Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw at ibinalik ang atensyon sa pagkain.
Napailing nalang siya sa ginawa ko at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil parang ngayon ko lang naramdaman ang gutom.
Malapit na akong matapos nang mapatingin akong muli sa kaniya. May gusto na naman akong sabihin pero pinigilan ko nalang ang sarili kong magsalita dahil baka magkasagutan na naman kaming dalawa.
"Tapos ka na?" Tanong niya sa hindi mapakaling boses. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi pa." Binagalan ko ang pagkain ng apple habang pinagmamasdan ang iritado niyang mukha.
Napataas ang kilay ko dahil halatang may gusto siyang gawin o sabihin pero pinipigilan lang niya. Kanina pa pati siya nakakagat sa pang-ibabang labi ng mariin habang naghihintay sa akin.
"Hindi ka pa ba tapos?" Mariin niyang tanong habang nakatingin sa akin at nakataas ang dalawang kilay. Hinihintay ang sagot ko.
Napanguso ako at uminom na ng tubig, "tapos na." Napabuntong hininga siya na parang nawalan siya nang mabigat na pinapasan.
"Sa wakas." Bulong niya at mabilis na niligpit ang pinagkainan ko.
"What's your problem?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang tinitingnan siyang mabilis na nililigpit ang pinagkainan ko. Napataas ang kilay ko dahil kunot noo niya 'yong nililigpit at nagmamadali.
Ganyan na ba talaga niya kaayaw na kasama ako? At sobrang madaling madali siya na ligpitin ang pinagkainan ko?
"Ihahatid ko lang 'to sa loob tapos magre-restroom lang ako. Kanina pa 'ko naiihi. Ang bagal mo kumain. Hintayin mo 'ko dito." Napatanga ako sa sinabi niya kahit na umalis na siya sa harapan ko para ihatid 'yung mga plato.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 1: Zaimon Luther Suarez
Любовные романы𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. [ 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 ] Date Posted: March 25, 2022 Also available on: Dreame Yugto Readoo Novelah StoryOn ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮�...