KABANATA 33

1.9K 36 0
                                    

"Good morning, Attorney." Bati ko kay Attorney Reyes nang tumawag siya kinabukasan.

Nasa café na ako at nasa loob na ng opisina nang tumawag siya sa akin. Binubuksan ko ang mga emails sa akin at nagre-reply sa iba. Ang iba naman ay hindi ko na nire-reply-an dahil puro advertisement lang ang mayroon.

"Good morning, Miss Balaba. I just want to inform you that the papers are already here in my office. You can have it now and sign it." Napaayos ako ng upo at iniwan ang pagtingin sa monitor ng computer ko at napabaling sa ibang direksyon.

"Gano'n po ba. Sige po, Attorney. I will be there after lunch. Para na rin maibigay ko na kay Mr. Suarez." Pormal kong sagot sa kaniya.

"Oh, siya, sige. May session ako ngayong araw kaya ipapasabi ko na lang sa sekretarya ko para i-assist ka niya mamaya pagkarating mo rito." Sumang-ayon ako sa sinabi niya at ibinaba ang tawag.

Napahinga na lang ako nang malalim bago nagpatuloy sa ginagawa. Ngayon ko lang naisip na masyado pa rin pa lang marami ang pinagkakautangan ni Mommy. Sa loob ng ilang taon niyang pagka-depress dahil na rin sa pagkawala ni Daddy ay kahit maliliit na negosyo ay nautangan niya. Pati na rin ang mga amiga niya ay nautangan niya. Ang iba niyang kakilala, kaibigan, ay hindi na naningil. Ang sabi ay tulong at bigay na lang 'yon, pero ang iba ay hindi pumayag. Kailangan rin daw nila ng pera at galit sila dahil sa walang kuwenta lang naman daw napunta ang inutang sa kanila.

Nagpasya na rin akong ibenta ang iba kong gamit at ang iba ring gamit ni Mommy na mapapakinabangan pa para maipambayad ko sa maliliit na nautangan niya.

Napapagod na ako. Napapagod na naman ako mag-isip.

"Then, rest. You need rest, baby."

Zaimon's soothing voice still lingering my mind. That words always crept in me like a reminder.

I need rest. But how could I rest if I'm facing this struggles. I'm still in between darkness and light. I still couldn't move to light because this heavy responsibility is pulling to darkness. Nakakapagod na talaga. Nakakaubos na.

Zaimon…

Do I really need you now for me to be at peace? His voice, his hugs, his kisses, his everything always makes me calm. It gives the feel of home in my insides. But… I'm still afraid I might hurt him. I am still afraid I might drag him down and ruin him like what happened before. I still need to find myself. I can't be with him if I am this kind of messed up. He might be stressed out for me, like what my sister feels when she's with me that time.

Kailangan ko ng pahinga… pero kailan? Kailan ko mararamdamang nakakapagpahinga na ako?

Parang gusto ko ulit bumalik sa pagkabata. Gusto ko ulit bumalik sa edad na dose anyos, 'yung mga panahong pinoproblema ko lang kung paano ako makakahingi ng pambili ng materyal na bagay kina mommy at daddy. Gusto kong bumalik sa panahong… kasama ko pa ang pamilya ko at kumpleto pa kami. 'Yung mga panahong maayos pa ang pamilya namin. Walang sakit si daddy, hindi nalulong sa bisyo si mommy, hindi na-arranged marriage si ate, hindi ako naging dahilan ng lahat ng paglubog ng pamilya namin.

Gustong gusto kong bumalik sa dati, pero alam ko naman sa sarili ko na… hindi ko na 'yon maibabalik kahit kailan. Magdudusa ako sa nakaraan. Malulunod ako at mamamatay sa nakaraan.

"Mom… Dad… sana kasama ko pa kayo… o kaya sana, sinama niyo na lang ako…" bulong ko sa hangin bago pumikit. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagbagsak ng aking mga luha.

Looking back at my past… if I never did have a relationship with Zaimon, or at least I waited for us to grow and be successful, all of these won't happen. Malulugi man ang negosyo pero hindi sa gano'ng paraan. Makakapagpagamot pa siguro si daddy. Hindi siguro nalulong sa sugal si mommy habang nagluluksa sa pagkawala ni daddy. Hindi siguro ako masasaktan ng unti-unti kung hindi nangyari ang mga 'yon.

Luscious Man Series 1: Zaimon Luther SuarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon