Pagkatapos kong kumain ay inilabas ko na ang tray. Naabutan ko na naman siya na naroon at prente pa ring nakaupo doon.
Ano ba ang ginagawa niyan dito at parang walang trabahong dapat gawin?
Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang napaangat ang tingin sa gawi ko at hindi na inalis ang tingin sa akin hanggang sa lumiko ako papunta sa kusina.
Pinagpapawisan ako ng malagkit habang pinapakalma ang sarili dahil sa ginawa niya. Why the need to stare at me like that? What the heck?!
"Okay na ba?" I ask one of the baker.
"Yes, miss. Nandoon na po lahat. Pati po 'yong mga pang-design." Ngumiti ako sa kaniya at dumiretso na papunta sa dapat kong gawin.
"Anong oras ulit ito ide-deliver?" I asked.
"Mga 5pm po, miss." he said with shyness.
"Okay," huminga muna ako ng malalim bago inumpisahan ang pagdidisenyo sa cake na ginagawa ko.
Nawili ako sa pagdi-disenyo ng cake na idi-deliver sa bahay ng kagawad na 'yon. Hindi ko na namalayan ang oras at alas kuwatro na pala ng hapon. Sakto sa pagkakatapos ko ng paggawa sa cake. Inilagay ko' yon sa kahon at nilagyan ng pangalan at resibo sa takip ng box. Pagkatapos ay inutusan ko na ang isa sa mga delivery boy na dalhin na iyon sa bahay ni kagawad.
"Balik kayo agad dito after delivering, may delivery pa sa kabilang bayan. That will be..." I trailed off and scanned the log book I'm holding, "that will be at 6:30pm in the evening. Malapit lang naman ang kay kagawad, right?" Tumango ang isa sa kanila.
"Dadaan nalang po kami sa shortcut para mas mabilis, Miss." Tumango ako at ngumiti nang babagya.
"Salamat," nang makapasok na sila sa L300 ay pumasok na ako sa loob ng coffee shop.
Wala na roon si Zaimon kaya gumaan na ang pakiramdam ko sa buong café. Pakiramdam ko kasi, habang nandito siya ay binabantayan niya ang kilos ko, gaya dati. At 'yon ang pinakaayaw ko sa kaniya dahil hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable sa titig niyang parang hinububaran na ako.
Everytime he stares at me, I feel like vomiting. I'm too conscious to bare his stares. And he's too oblivious to notice my uncomfortable state when he's staring at me. Noon pa man ay nakahiligan na niyang titigan ako. I know staring is rude but it seems a mannerism to him. Nakasanayan na niya kaya hindi na niya maalis sa sarili.
Nang mag-alas sais na ng gabi ay ibinilin ko na sa manager ang gagawin. We're closing at 10 in the evening and opening at eight in the morning. Dati ay eight to eight ang café ko, pero naisip ko ring gawing hanggang alas diez ng gabi dahil marami pa ring bumibili at dumadaan sa coffee shop ko.
The advantage of being located near the highways.
Marami ring dumadaang mga truck driver na gustong mainitan ang mga tiyan kaya ginawa ko na ring alas diez. Minsan ay inaabot pa kami ng alas onse o alas dose dahil minsan ay napakaraming tao.
Hindi na ako nagtagal doon at umuwi na ako sa bahay. Pagod akong bumuntong hininga habang tumitingin sa mansyon na walang ilaw.
Ako lang mag-isa, ako lang. Pero sanay na ako. Sa ilang taon kong mag-isa ako, hindi na ako gaanong nalulungkot. Pero minsan may parte sa akin na nalulungkot pa rin ng sobra, lalo na kapag nakikita ko ang mga larawan nina Mommy at Daddy na nakangiti. Mas nalulungkot ako. At kapag naman nakakausap ko si Ate, nalulungkot din ako.
Saka ko lang naaalalang. . . mag-isa nga pala ako.
Bumuntong hininga ako at pumasok na sa loob ng bahay. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang flashlight para makita ang paligid. Hinanap ko ang switch para mabuksan ang ng ilaw sa buong mansyon.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 1: Zaimon Luther Suarez
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. [ 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 ] Date Posted: March 25, 2022 Also available on: Dreame Yugto Readoo Novelah StoryOn ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮�...