KABANATA 20

1.8K 23 0
                                    

Tumakbo ako hanggang sa quarters para kuhanin ang aking gamit. Pinagmamasdan ako ng mga trabahante dahil umiiyak ako habang tumatakbo. May mga nagtatanong pa nga kung anong nangyari sa akin pero hindi ko sila pinansin o sinagot. Ayokong malaman nila ang nangyari. Kaaawaan lang nila ako. At ayoko no'n.

Mabilis kong kinuha ang gamit ko. Basang basa ang mukha ko dahil sa luha at lumalakas na rin ang paghikbi kahit gusto ko pang pigilan 'yon. Naninikip ang dibdib ko pero pinilit kong lumabas ng quarters para umuwi.

"Ate Dane, anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Candice sa akin pero pilit ko lamang siyang nginitian.

Dumako ang tingin ko sa lalaking palapit sa amin. Seryoso ang mukha pero makikitaan mo ng kalambutan sa ekspresyon habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Uh… s-sumasakit lang ang u-ulo ko, Candice. Sobrang sakit kasi k-kaya umiiyak na ako. Uuwi na lang muna ako." Tumingin ako kay Tita Denise na nakamasid lang rin sa akin, nag-aalala sa hitsura ko at sa biglaang pagpapaalam na umuwi.

"Sige, Dane. Umuwi ka muna nang makapagpahinga ka. Siguro ay sa sobrang init kaya sumasakit na 'yang ulo mo. Magpahinga ka nang maigi, huh. Uminom ka ng gamot pagkauwi mo sa bahay niyo." Si Tita Denise sa nag-aalalang boses.

Sana naiinuman rin ng gamot ang pagiging broken hearted. Nang sa gano'n mabilis lang mawawala ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

"Ate, magpahinga ka kaya muna hanggang bukas. Magpahinga ka ngayon hanggang bukas, o kaya kahit hanggang ilang araw. 'Yung sigurado ka nang hindi na ulit sasakit ulo mo. Namumutla ka pa." Sinalat ni Candice ang leeg at noo ko.

Ngumiti ako sa kaniya nang malungkot, "ayos lang ako, Candice. Magpapahinga ako nang maayos para makabalik agad ako dito. Una na ako." Ngiti ko sa kanila at dahan dahan nang naglakad palayo roon.

Habang lumalayo ako sa kanila ay unti unti na namang namuo ang luha sa gilid ko. Patuloy na nag-rereplay ang mga sinabi sa akin ni Zaimon kanina. Na hindi… hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya. Na hindi kami pwede. Akala ba niya nagbibiro lang ako sa sinabi ko sa kaniya? Akala ba niya… biro lang ang umamin ng nararamdaman sa kaniya? Tang'na. Ngayon ko lang 'to ginawa tapos ire-reject niya ako? Ang kapal ng mukha niya!

Mabilis kong tinext si Kuya Lester na sunduin ako dito sa planta dahil masama ang pakiramdaman ko. Mabilis rin naman siuang nag-reply at sinabing papunta na. Umiiyak ako sa waiting shed sa labas ng planta habang paulit ulit na inaalala ang mga sinabi sa akin ni Zaimon.

"That's just an… infatuation. You can't like me."

His voice… still lingering my mind. Damn him. Alam kong maayos ang pagkakasabi niya sa mga binitawan niyang salita pero masakit pa rin para sa akin. Sobrang sakit.

"Mawawala rin 'yang pagkagusto mo sa akin."

This feels so surreal. I can't imagine he can reject me just like that.

"Masyado kang mataas para sa akin. Kapag… may mapapatunayan na ako sa buhay… sana gusto mo pa rin ako sa buhay mo."

Anong ibig niyang sabihin? Na pagkatapos niya akong i-reject, tatanggapin ko ulit siya? Isa ka talagang gago, Zaimon.

"Dane," mabilis kong pinunasan ang luha ko at huminga nang malalim. Hindi ko siya tiningnan pero alam kong hindi siya aalis diyan. "I'm sorry." He said, pain in his tone. "Hindi ko gustong… i-reject ka. Pero kailangan ko. Alam kong… bata ka pa—"

"I am already eighteen! I'm in my legal age now! How can you say that I'm still young—"

"Bata ka pa rin kahit sabihin mong nasa legal ka nang edad. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Wala kang alam kaya sana… sana mapatawad mo 'ko. Hindi ako mayaman, wala akong maipagmamalaki dahil nag-aaral pa ako, wala pa akong maihaharap sa pamilya mo." Umiling ako sa mga sinabi niya.

Luscious Man Series 1: Zaimon Luther SuarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon