Nang pumasok ako sa loob ng aking opisina ay para akong lumutang sa ere. Habang umuupo sa swivel chair ko ay lutang ako na halos lumihis pa ang pag-upo ko. Napanguso ako at huminga nang malalim bago nagpasyang magseryoso na sa trabaho.
Lumalabas ako kapag natatapos sa ginagawa sa loob at tumutulong sa pagse-serve at paglilinis doon. Medyo kulang kami sa tao dahil may ibang waiter at waitress na day off at may isa pang absent dahil may sakit kaya naman kulang na kulang kami ngayon.
Nang magtanghali ay nag-abala pa talaga si Zaimon na makapunta rito para mananghalian. Hindi na lang ako nagreklamo dahil alangan namang pabalika ko pa siya sa site nila at doon na kumain.
Um-order ako ng pagkain namin habang nasa loob ng opisina ko si Zaimon at nagpapahinga.
"Pakihatid na lang sa opisina ko. Salamat." Masaya akong tinugunan ng ngiti ni Yshi habang tinatapos ang paglilista ng order ko.
Umikot na ako pabalik sa opisina ko at naabutan ko si Zaimon na may kausap sa kaniyang cellphone. Seryoso at mukhang tungkol sa trabaho. Nakatayo siya malapit sa mga bookshelves ko sa loob ng opisina habang nakapaloob ang isang kamay sa kaniyang bulsa.
He really look so manly as he stood there so proud with his hard feature. It makes my heart throbbed so bad as I look at him. When he noticed my presence he turned to look at me and arched a brow when he caught me looking at his body so intently.
Tumikhim ako at nagtaas ng isang kilay bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. T*ng *na nakakahiya!
"Yes," he said in a monotone on the other line. "I already gave the blueprint to Architect Collins."
Napanguso ako at naglakad papunta sa swivel chair ko. Umupo ako doon at binuksang muli ang aking monitor.
"Yes, I'm the engineer in charge on that project." hindi ko maiwasang mapasulyap sa kaniya habang siya naman ay seryosong nakabaling sa akin ang buong katawan, tinititigan ako habang may seryosong kausap sa kaniyang cellphone. "Hindi ko alam, e. Ask Cyrus for that. Hindi ko alam ang detalye tungkol sa proyekto sa Quezon. Fvck you, Conde, marami akong trabaho." rinig ko ang iritasyon niya sa kausap. "Tang *na ka, hindi ako lumalandi dito."
Damn. Bakit kapag nagmumura siya ng tagalog mas lalong nakaka. . . turn on?
"Wala ka lang jowa kaya manahimik ka diyan g*go. Pagbalik ko ng Manila kukutusan kita. Alam ni Vaughn ang trabaho ko dito." he paused. "Oo kahit si Cyrus, alam 'yon. H'wag kang pabibo diyan at magtrabaho ka. Kapag bumalik ako diyan at walang nadagdag sa tinatrabaho mo ipapakain ko talaga sa 'yo 'yong mga sementong panggawa ng pundasyon diyan." Natatawa ako habang nakikinig sa kaniya, pinipigilan ko nga lang dahil baka marinig ng kausap niya.
Medyo nagtagal pa siya sa kausap niya hanggang sa bigla siyang nagseryoso sa pagsasalita sa kausap niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mapansing naglakad siya palapit sa aking lamesa. Hindi ako tumingin sa kaniya at tinutok lang ang mga mata sa monitor ng computer ko.
I was scrolling in my browser, looking for some hotel who needed a chef. Kailangan kong maghanap ngayon para kung sakaling makahanap na rin kami ng buyer sa mansyon ay wala na ring problema at hindi sasabay ang paghahanap ko ng trabaho sa Manila.
Alam ko namang kahit hindi ako magtrabaho ay mabubuhay ako dahil sa flower plantation namin, sa coffee shop ko, at sa flower shop ko. Kailangan ko pa ring magtrabaho para makabayad sa mga pinagkakautangan nina mommy at daddy. Kahit na kating-kati na si ate na magbigay ulit ng tulong sa pambayad ay umaapila pa rin ako. I just need to be independent when it comes to a problem like this. Alam ko namang hindi ko kaya, pero kakayanin ko pa rin. Lalo na at naiirita lang ako sa tsinong nautangan ni mommy sa casino. At ang tang *na, gustong katawan ko ang pambayad. Ano siya, hilo? Over my dead gorgeous body I would let him touch my body. Mamatay na siya.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 1: Zaimon Luther Suarez
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. [ 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 ] Date Posted: March 25, 2022 Also available on: Dreame Yugto Readoo Novelah StoryOn ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮�...