KABANATA 59

2K 37 0
                                    

When we arrived at the exclusive bar, I immediately changed my mind and want to back out. What the heck?! I know how a bar works, with some loud stereos, drinking people, people making out, loud talkings, smokings and such. But this is too much. This place is an exclusive bar but I think this is too crowded for an exclusive bar.

"We should go in," saad ni Zaimon sa aking tainga dahil medyo hindi kami magkakarinigan.

This is just the entrance, but I can see wild peoples now. Damn!

Tumango ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad. Mahigpit ang kapit ng kaniyang braso sa aking baywang na parang ayaw akong pakawalan dahil sa sobrang dami ng tao sa loob ng lugar. Kumapit ako sa kaniyang braso na nasa aking baywang nang medyo mabangga ako ng lalaking lasing at tumatawa-tawa pa.

"Hey! Careful!" Sigaw ni Zaimon sa lalaking nakabangga sa akin at humigpit ang kaniyang kapit sa aking baywang, halatang nagalit at gusto nang manakit.

"Sorry! Sorry!" Natatawang sambit ng lasing na lalaki.

"Zaimon, let's just go." Saad ko kay Zaimon, pinipigilan na siya dahil mukhang mapapaaway siya.

Nag-iigting ang bagang niya at nagpatianod na sa aking paghatak sa kaniya. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay iginala ko ang aking mga mata para mahanap kung nasaan si Vea.

I took out my phone in my purse and tried to call her. Naka-ilang ring pa bago niya sagutin kaya naman napailing nalang ako.

"Where are you?!" Malakas ang boses na tanong ko dahil malakas ang tugtog sa banda namin.

"Oh! You're already here?! Wait! I'll go there! Nasa entrance pa kayo?!"

"Yes! Puntahan mo na kami dito o uuwi na lang kami?!" Mabilis siyang umangal sa sinabi ko at sinabing pupunta na sa kung nasaan kami.

Ilang minuto pa kaming nakatayo doon at nagmamasid lang nang biglang sumulpot si Vea mula sa dagat ng mga taong nag-iindakan sa malakas na tugtog.

"Hi!" She greeted highly.

Nanliit ang mga mata ko. "You're already drunk? It's still early!" Reklamo ko sa kaniya na ikinatawa lang niya.

"No, I'm not! Ano ka ba, Dane! My alcohol tolerance is not that low, 'no! Let's go! I booked our seat!" Humagikgik pa siya. "Hello, Zaimon!" Zaimon just nodded at her and I motion her to just walk and guide us to our seats.

Medyo malayo 'yon kaya naman natagal pa kami, lalo pa dahil ang daming bumabati sa kaniya at kumakausap kaya napapahinto siya. Napapailing na lang ako habang papalapit na rin kami sa upuang sinasabi niya.

"I already ordered some drinks!" Halakhak siya nang makitang ngumiwi ako sa sinabi niya. "You should drink, Dane! Ano ka ba naman! Napakabuti mo namang tao kung hindi ka iinom ng alak." Napailing na lang ako nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating doon ay agad niya akong binigyan ng shot, gano'n ang ginawa niya kay Zaimon. Nakanguso ko 'yong tinanggap at tiningnan si Zaimon na agad nilagok ang inuming para sa kaniya.

"Drink, Dane!" Pagpupumilit ni Vea pero mabilis na inagaw ni Zaimon 'yon sa kamay ko at siya ang uminom.

Uminit ang pisngi ko nang mapagmasdan ang pagtaas-baba ng kaniyang adam's apple dahil sa pag-inom ng alak.

"She won't drink, Vea." Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niya habang binababa ang shot glass na wala nang laman.

"Why?" Vea asked.

"Oo nga, bakit?" Takang tanong ko rin habang tinitingnan siyang madilim ang tingin sa akin.

Kahit na madilim sa bandang 'to at nasisinagan lang kami ng mga neon lights ay nakikita ko pa rin ang kakaibang kislap ng kaniyang mga mata. Pero kahit naaaninag ko 'yon ay hindi ko pa rin mabasa kung ano 'yon.

Luscious Man Series 1: Zaimon Luther SuarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon