KABANATA 21

1.5K 21 0
                                    

"Liligawan mo pa rin ako?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik. Hindi kami gaanong nagdidikit sa paglalakad dahil medyo may mga tao na dito.

"Oo. Hindi p'wedeng hindi kita liligawan." Seryosong sambit niya.

Napanguso ako, "bakit pa kasi liligawan, p'wede naman nang tayo na agad." Napangisi ako nang may maisip. "Alam ko na! Tayo na agad. Sinasagot na kita!" Pabulong kong sambit, sapat lang para marinig niya.

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Sinipat ang hitsura ko. Nawala ang ngisi sa mga labi ko nang makitang napakaseryoso niya. Huminga siya nang malalim.

"Alam mo ba 'yang mga sinasabi mo? Akala ko ba hindi ka na bata? Bakit ganiyan sinasabi mo." Naiiling niyang sambit pero kalauna'y napangiti na rin. "I can't believe you." Bulong niya.

"Sorry. Okay, manligaw ka." Hindi ko na lang patatagalin.

Gusto ko na siyang maging boyfriend! Pero sabagay, gusto ko ring maranasang maging manliligaw siya. Gusto kong maranasang maligawan ng isang Zaimon Luther Suarez.

Naging abala na siya sa pagtatrabaho niya kaya naman ginawa ko na rin ang dapat kong gawin. Naging abala ako dahil dumating rin si Daddy at Mommy sa planta nang magtanghali kaya sila na rin ang sinabayan ko sa pagkain ng tanghalian. Gusto ko sanang sumabay kina Zaimon kaso baka mahalata nina mommy na masyado ata akong uhaw sa atensyon ni Zaimon.

"Akala ko ay hindi ka muna papasok dito sa planta ng mga ilang araw, hija." Si Daddy habang kumakain kami ng tanghalian sa opisina niya.

"Uh… I'm already fine now, dad. Hindi naman na masakit 'yung ulo ko. Saka, nakapagpahinga naman po ako maghapon kahapon kaya maayos na ako ngayon." I smiled at him, assuring him.

"Okay, I just thought you would just stay in our house for the mean time." Napatiim ako ng labi at hindi na nagsalita.

Nag-usap sila ni mommy tungkol sa usaping hindi ko maintindihan. Hanggang sa madako sila sa sakit ni dati.

"You should do more rest, hon. We can't be so sure that your illness will—"

"I'm totally fine, hon. Hindi naman gaanong umaatake ang sakit ko dahil nakakainom ako ng gamot. I'm having a daily check up, so don't worry too much about me, hmm." Napatingin ako kay Mommy at Daddy na seryosong nakatingin sa isa't isa.

They're so stressed out with Dad's illness, with our plantation and rice farm, with everything. I should do better now. I can't add more stress to them now that they're full with everything.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag… kapag isa sa kanila ang sumuko. Kakayanin ba namin na… may mawala? Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Masakit. Umalis nga lang si ate para magtrabaho sa Manila, masakit na e. Paano pa kaya kung panghabambuhay na. Mas lalong masakit 'yon.

"Mom, dad, I can work here full time. You don't need to stress out yourselves. Marami naman na po akong natutunan, at alam ko na tuturuan din po ako ng mga tauhan dito para mas lalo akong matuto. Alam ko naman pong hindi nila ako papabayaan." Dad's eyes narrowed at me, then he look at mom whose looking at me intently.

"Are you sure? It's already May, Dane. You should be preparing for your school." Mom said while looking at me with brow up now.

"Uh… school year will start at July, mom. I can still work here for the whole two months. Then after school, I can go here to help. I can't be a burden to you two. I'm already eighteen. I want to be better and responsible daughter for you." I said sincerely.

Mariin akong tinitigan ni Daddy. Napaiwas ako ng tingin at biglang kinabahan. Bakit ganiyan siya tumingin sa akin, na parang alam niya na may iba akong ibang agenda kaya gusto kong mamahala dito sa planta.

Luscious Man Series 1: Zaimon Luther SuarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon