KABANATA 8

2K 29 1
                                    

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko nang makita siyang naglalakad sa gilid ng daan papunta sa kung saan.

"Pupunta sa sakayan ng tricycle." He shrugged it off. "Kung diyan ka maghihintay, baka bukas ka pa makauwi. Walang gaanong dumadaan dito na tricycle dahil papunta na 'to sa kagubatan, kung hindi mo alam." Napakurap ako sa sinabi niya.

Hindi ko na-realize na papunta na pala sa deadend itong planta. Wala pang gaanong nakatira sa kalapit daan dahil nga parang gubat na ang lugar. Kaya dito rin napili nina mommy na ilagay ang planta, dahil hindi malapit sa polusyon. Napabuntong hininga ako at sumunod sa kaniya sa daang pinanggalingan ko kanina. Oo nga at tama siya, siguro kung may pupunta dito sa planta ay sasadyaing ipasok sa daang papunta roon.

"Hey! Wait up!" Sigaw ko dahil masyado na siyang mabilis sa paglalakad. I can't catch up with him! He has this freakin' long legs. Duh!

"Ang bagal mo kasi maglakad." Huminto siya nang makitang hinihingal na ako. Tumakbo ako para makatapat sa kaniya.

"Ang haba kaya ng mga biyas mo kaya ang bilis mo maglakad!" Singhal ko sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay nang samaan ko siya ng tingin.

"Bilisan mo nalang, magga-gabi na." Aniya at tinalikuran na naman ako.

Sumunod ako sa kaniya at nagmamaktol sa paglalakad. I'm not used to walking. My feet's hurts. I think it's swollen because of walking ealier this morning and then now. I'm also walking around the plantation while wandering. And I can't help byt feel pain in my ankle.

"Ang sakit na ng paa ko," nakangusong sambit ko habang nasa likod ang mga kamay at pinaglalaruan 'yon.

Inangat ko ang tingin ko kay Zaimon nang makitang napatigil siya sa paglalakad.

"Anong gusto mong gawin ko? Buhatin ka?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Hell no!

"I'm not saying that! Wala naman akong sinabing buhatin mo 'ko! Ang sabi ko, masakit na ang mga paa ko dahil sa kakalakad. For your information, kanina pa ako lakad ng lakad." Umirap ako sa kaniya at humalukipkip.

Nagtaas siya ng kilay, "naisip mo ba 'yung trabaho namin? Ng iba. Mas mahirap pa 'yon kaysa sa paglalakad habang nagliliwaliw ka. Kaya h'wag kang magreklamo diyan." Aniya sa isang masungit na tono.

"You're so mean, you brute! I hate you!" He just waved his hand while walking.

Nakakairita siya! Bakit ba lagi niyang pinamumukha sa akin na wala akong pakialam sa nangyayari sa mundo. Of course I care. But not hundred percent. I'm just a studeng, not a freaking governor so why the need to tell me that and slapped me the truth. Oo at ganito ang ugali ko, I'm a straightforward kind of girl, I'm sentive, I'm brat, but I still have freaking heart for his f*cking information.

At dahil medyo nainis ako sa kaniya hindi ako agad nakasunod at nanatili sa kinatatayuan ko. Dumidilim na sa daan. Nag-aagaw na talaga ang kaunting kahel sa langit at ang dilim, tanda na matatapos na ang liwanag.

I know all of this has ending. Sana lang ay hindi pa ngayon. Alam kong kapag dumilim ang mundo ko, magkakaroon ulit ako ng liwanag. Pero matagal. Alam kong kapag natapos ang kayamanan namin, matagal pa ulit bago kami makaahon. Pero alam kong hindi naman nina mommy hahayaan 'yon. Alam kong gagawin nila ang lahat para manatili kaming may pera at hindi nalulugi.

And I know Zaimon's life will light up in the right time. He's a hardworking man, a dedicated man in his own. Hindi ko man aminin ng malakasan, pero alam ko sa sarili ko na hindi gano'n kababa ang tingin ko sa kaniya. I just don't like his vibe. It's annoying.

"What the f*ck?!" Sigaw ko sa biglaang pagkagulat nang may humatak sa braso ko.

"Bakit hindi ka sumunod?!" His eyes are full of mixed emotion. Like, anger, concern, worried, and I think... it's fear.

Luscious Man Series 1: Zaimon Luther SuarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon