Nang makarating ako sa bahay ay hindi na ako nagpatagal pa at pumasok na sa loob nang maisara ko ang gate.
Mabilis akong umakyat sa hagdan papasok sa mansyon at binuksan ang switch ng ilaw sa living room. Napabuntong hininga ako at mariing pumikit nang mapagtantong… wala akong kasama sa buhay ko. Nagago pa ako ni Zaimon.
How dare he do that to me?! F-ck him!
Dire-diretso ang lakad ko papunta sa kusina at kumuha ng rum. Kumuha ako ng wineglass at nagsalin ng um doon. I drank it all and pour another glass of wine.
"H'wag na h'wag lang talaga siyang magpapakita sa akin bukas at masasapak ko ang mukha niya." Gigil kong sambit bago nilagok muli ang alak.
Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan sana si Vea para mag-rant sa kaniya nang makita kong may text si Zaimon. There are some missed calls also. Aba't talagang naisipan niyang mag-text at tumawag! Tang'na lang.
Binuksan ko 'yon at napataas ang kilay ko nang mabasa ang laman no'n.
From: Zaimon
Where are you?
Fron: Zaimon
Sorry, I'm late. Something came up and it's an emergency.
From: Zaimon
I'm on my way to your café.
Sunod sunod 'yon na ikinakunot ng noo ko. Bakit nag-aabala pa siyang mag-text sa akin, e wala naman na akong pakialam kung puntahan niya ako o hindi. Bahala siya sa buhay niya!
Emergency? I don't f-cking care if it's an emergency! At least let me know if we're still having it or not so that I wouldn't be there, waiting for him for f-cking hours!
From: Zaimon
I'm here in your café but you're not here anymore. Umuwi ka na daw sabi ng empleyado mo.
As if naman na mananatili pa ako doon at hihintayin siya hanggang sa pumuti ang mga mata ko. Asa siya!
Kumuha ako ng pwedeng lutuin sa refrigerator ko. Nakakita ako ng manok at patatas doon. Napataas ang kilay ko at ponagmasdan ang mga 'yon. At dahil wala naman na akong gagawin ngayon, nagpasya akong magluto na lang ng adobo. Hinugasan ko 'yon at naghiwa na ng rekados. Nagsimula na akong maggisa ng bawang at sibuyas, bago ko nilagay ang karne ng manok, kaunting tubig at toyo. Nilagyan ko na rin 'yon ng suka. Habang hinihintay ko na kumulo 'yon ay nilalagok ko naman ang alak mula sa bote nito, tinatamad nang magsalin sa wineglass.
Nakakaramdam na ako ng kaunting hilo dahil sa pag-inom nang may marinig akong kaluskos sa kung saan. Napataas ang kilay ko at tumingin sa labas ng kitchen. Wala namang kakaiba kaya ipinagsawalang bahala ko 'yon. Nang kumulo ang niluluto ko ay nilagay ko ang patatas at laurel bago tinakpang muli 'yon.
Nakakaramdam na ako ng antok at hilo dahil sa pag-inom kaya pakiramdam ko ay hindi na tama ang pagkakasunod-sunod ng pagluluto ko. Bahala na, maluluto rin naman 'yon. Iisa lang lasa niyan, lasang adobo.
Nakarinig naman ako ngayon ng yabag na naglalakad papunta sa direksyon kung nasaan ako. Hawak ang sandok sa kanang kamay at bote ng wine sa kaliwa, ay dinungaw ko ang labas mula sa counter top na kinahihiligan ko. Dim lights lang ang naroon, tanda lang na may tao na dito.
Nagsalubong ang kilay ko dahil tunog ng suwelas ng isang italian shoes ang tumatama sa tiled floor. And the thief has an Italian shoes, really?
Why am I not even bothered? I'm not even scared! Is this because of alcohol? Oh damn.
Walang pakialam akong bumaling muli sa niluluto ko nang marinig kong malapit na ang taong naglalakad. Huminga ako nang malalim bago tinakpan ang kasirolang niluluto ko at humarap sa pintuan ng kusina.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 1: Zaimon Luther Suarez
Любовные романы𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. [ 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 ] Date Posted: March 25, 2022 Also available on: Dreame Yugto Readoo Novelah StoryOn ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮�...