KABANATA 30

2K 32 0
                                    

"Is this, Danella Kim Balaba or Darella Kate Balaba?" A woman asked.

"I... I'm Danella, why?"

"Ma'am, Mrs. Balaba was found in one of your Mansions… nakabigti po sa kisame…"

Parang nablangko ang utak ko sa narinig. Naibagsak ko ang telepono at walang lakas na napaluhod sa sahig.

No. No way… Mom…

"Dane, what happened?" Lumapit sa akin at nag-aalang tumingin sa akin bago kinuha ang teleponong naibagsak ko.

"Ate… s-si… Mommy…" nakatutulalang bulalas ko.

"What? What happened?" Tiningnan niya ang telepono at inilagay sa kaniyang tenga. "Hello, who's this? Yes, Kate. What… No… please, don't joke around— She's not dead! No!" Kahit si Ate ay natulala na rin habang lumuluha. "What's happening…" bulong niya at napasapo sa ulo at frustrated na sinabunutan ang buhok. "I thought she's fine. She called just last night…"

"She called me, too. That was… her last call. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari… sana bumalik na lang agad ako ng Pilipinas. Sana sinamahan ko siya. Sana hindi na nangyari 'to. Sana… sana makakasama pa natin siya." Napahagulgol ko at napatakip sa mukha.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Ate sa akin. Pareho kaming umiiyak at inilalabas ang sakit ng isa't isa.

Bakit? Bakit sa akin 'to nangyayari? Bakit sa pamilya namin? Bakit isa-isang nawawala ang miyembro ng pamilya ko? Bakit… lahat na lang ata kinukuha sa akin? Gano'n na lang ba talaga kalaki ang kasalanan ko? I've changed. I've changed a lot but… how could this life be this so miserable? Bakit ganito kasakit at kasaklap ang tinatamasa ko? Bakit sa lahat ng problemang ito, puro sakit ang kapalit? Pagkawala ang kapalit.

That night the thought of suicidal is in my head again. The thought of taking my own life is triggering my mind again. But… I don't want to cause another pain to my sister again. She's having a lot in her plate that's why I can't be another burden to her. She has been keeping her pain for years seeing me go depress, that's why I don't want to cause another heartache to her. Mom's dead now, ayokong madagdagan ang kakaharaping sakit ni Ate. She only have me now. I am, too. Kaya hindi ko siya iiwan.

I want to be a better person again. Even without others help. Even without inspiration. Even without someone to accompany me to face the struggles.

"You can do this, okay? Keep strong. I'm always here for you. We're always here for you. Theo and I will always be right beside you." Vea said in a soothing voice while caressing my back.

"I can surpass this one. Don't worry about me. Kakayanin ko naman. Alam ko namang hindi ako nag-iisa." Ngumiti ako sa kaniya.

After mommy's wake, I decided to stay for good in the Philippines. Habang sina Ate at ang pamilya niya naman ay bumalik na sa Canada. Vea stayed also, but in Manila like Theo does. Mas nagfo-focus na siya sa pag-momodeling at si Theo naman ay sa pag-hahandle ng kanilang negosyo sa Manila. Kaya naiwan na naman akong mag-isa. Sa San Jose.

But unlike before, I could be a better person now. I can't let depression eat me in the dark. Kailangan kong magpakatatag. Hindi na ako kagaya ng Dane noon. Hindi na ako si Dane na 18 years old at pagpapakamatay lang ang alam na solusyon sa problema. Hindi na ako 'yon. Ibang Danella Kim Balaba na ang narito.

Kasabay ng pagtanda ko ay ang pagkalimot ko sa nakaraan. Pati sa mga taong alam kong… alam kong nasaktan ko noon. Kaya hindi ko hahayaang maging mahina ulit ako. Dahil sa ilang taong sakripisyo ko, sa ilang taong paglimot ko, sa ilang taong pagdudusa ko, siguro sapat na para maging ibang tao na ako ngayon.

Luscious Man Series 1: Zaimon Luther SuarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon