"Masyado kang makinis para magtrabaho dito," naiiling niyang sambit.
Napanguso ako sa sinabi niya, "I want to learn how to—"
"Pero hindi mo na kailangang magbilad sa arawan. Hindi mo naman kailangang magdilig dito para matuto ka. Madali lang ang pagdidilig, pero hindi ako papayag na magbilad ka dito sa arawan." Seryosong sambit niya na nagpasingkit ng mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
"Why do care so much about my skin, by the way? Bakla ka ba? Naiinggit ka ba sa kulay ng balat ko? Sa kinis ng balat ko? Pakisabi lang kung oo, kasi bibigyan kita ng list ng mga pang-skin care ko." Umirap ako sa kaniya at humalukipkip habang pinagmamasdan ko ang igting niyang panga.
"Hindi ako bakla, para lang sa kaalaman mo. Ang iniisip ko lang, baka magalit si Madame Donilla sa amin kapag maging sunog ka kakapa-araw." Halos umusok ang ilong ko sa sinabi niya.
"Ewan ko sa 'yo!" Nagmartsa ako paalis doon. Narinig ko naman ang yabag ng paa niya, sinusundan ako sa kung saan ako pupunta. "H'wag mo 'kong sundan!" Sigaw ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig dahil patuloy siya sa pagsunod sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harap na kami ng waiting shed. Humalukipkip ako at galit siyang binalingan. He's looking at me intently. Weighing my expression and waiting for me to spat at him.
"Bakit ka ba nakikiaalam sa akin? Why do I need your permission on what I'm doing, by the way? You shouldn't care about my whereabouts!" Nanatiling seryoso ang expression niya at nanantiya.
Huminga siya ng malalim bago umigting ang panga at umiwas ng tingin. "Hindi naman sa pinapakialaman kita, ayoko lang na nabibilad ka sa araw at nagpuputik. Hindi bagay sa 'yo—"
"So what?! That's what I want. I want to explore. I want to learn here. Because I know someday, I will manage this plantation. So why not learn about it now?" Asik ko sa kaniya.
Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya bago binalik ang tingin sa akin sa masuyong paraan.
"Fine." Bumuntong hininga siya na animo'y hirap na hirap sa gagawing desisyon. "Pero hindi ka magbibilad ng matagal. Hindi ka gagawa ng kung ano dito na mahirap." He commanded.
Napanguso ako, "okay…" parang bata kong tugon sa kaniya at tumango ng bahagya.
"Mamaya ka na magdilig…" he trailed off. "Kapag hindi na masyadong masakit sa balat ang araw. Saka lang kita papayagan magdilig." Napairap ako sa sinabi niya.
Para namang tatay ko siya kung makapagsabi niyan. Pero hindi na ako nakipagtalo dahil hahaba lang ang usapan naming dalawa kapag nakipagtalo pa ako. Maiirita lang ako sa kaniya at magkakasagutan lang kami 'pag gano'n. Kaya mas mabuti nang manahimik muna.
"Umupo ka muna diyan," tinuro niya ang upuan sa kinatatayuan naming waiting shed. "Kukuhaan lang kita ng tubig." Aniya bago umalis sa harapan ko nang dahan dahan akong maupo sa upuan doon.
Wala na akong nagawa kung hindi ang hintayin siyang makabalik. Pinagmamasdan ko lang ang mga paa kong pinaglalaruan ko. I look at my muddy boots. They look dirty, but I know that the dirt is worth my time. It killed my boredom, tho.
Ilang minuto lang ang hinintay ko at bumalik na siya, may dalang bottled water. I look at him when he handed me the bottle. I accept it and drink. Saka lang ako nakaramdam ng pagkauhaw nang madama ng dila ko ang tubig. Pinangalahatian ko 'yon at isinara 'yon. Bumaling ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay nang makita kong nakatingin siya sa akin. I conciously look away and breathe heavily.
"Magpahinga ka muna diyan," bumaba ang tingin niya sa sapatos na suot ko. I bit my lower lip while looking at my boots, too. He clenched his jaw. "Linisin muna natin 'yang boots mo. Ang putik." Tahimik akong tumango.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 1: Zaimon Luther Suarez
Romansa𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. [ 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 ] Date Posted: March 25, 2022 Also available on: Dreame Yugto Readoo Novelah StoryOn ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮�...