Kinabukasan ay tinanghali na kami ng nagising pero nagawa pa rin naming sundin ang binabalak gawin sa araw na 'yon. Ayaw pa nga sana ni Zaimon dahil mas gugustuhin daw niyang manahimik sa condo niya kasama ko at magpahinga, kaysa lumabas ng bahay. Kung hindi ko lang siya pinagdabugan ay hindi pa siya kikilos.
"You told me that this will be our date!" I said while stumping my feet on the floor. "Sana hindi ka na lang nagsabi ng gano'n, para hindi na ako umasa! Gusto mo pala manahimik dito, e!" Inis ko siyang pinalo ng unan sa likod habang nakadapa siya sa kama. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan siya.
"Fvck!" Napabalikwas siya ng upo sa kama at mabilis na tumingin sa akin. He look at me with wide eyes and immediately stood up to hug me when he saw me tearing up. "Fvck, I'm sorry, baby. Sorry." Aniya habang hinahalik-halikan ang aking ulo.
Tumulo ang luha ko at ibinaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang patuloy siya sa paghalik sa aking ulo.
"I'm sorry. I'm sorry." He continue to kiss my head as he console me and caressing my back in a gentle manner.
Kaya naman anong oras na kaming nakapunta sa mall at nakapamili. Hindi ako namili gaano ng para sa akin, namili ako ng p'wedeng pasalubong rin sa mga empleyado ko. Sa flower shop at coffee shop, hindi kasi ako sigurado sa mga empleyado ko sa planta.
Napag-usapan na rin namin ang pagbalik sa San Jose. Akala ko ay mananatili siya dito pansamantala para sa ibang trabaho, ayos lang naman sa akin 'yon basta tungkol sa trabaho.
"Wala naman akong importanteng gagawin dito. I'm prioritizing my project in San Jose dahil bago pa lang 'yon. 'Yong mga project ko dito ay hindi na gaanong kailangan ng presensya ko at may iba pa namang engineer na nakaagapay do'n." Tumango ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. "And also, I will just miss you when I'm here." Napaangat ang tingin ko sa kaniya at pinamulahan ng pisngi.
Bumilis ang tibok ng aking puso dahil doon. Hindi na lang ako nag-react ng kung ano-ano at nagpatuloy na lang sa pag-uusap ng kaswal.
"I'm going to an exclusive bar with Vea tomorrow night." Imporma ko habang sumisimsim sa aking baso ng tubig.
Tumaas ang kilay niya. "Where is that place?" Sinabi ko sa kaniya ang address ng nasabing exclusive bar. Tumango naman siya na parang sumasang-ayon at pumapayag. "What time are we going there?" He casually asked that made me frown.
"We?" I asked innocently.
"Bakit? Sino pa ba ang isasama mo bukod kay Vea?" Napamaang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Seryoso ang mukha niya at mukhang hindi papayag na hindi siya kasama.
Tumikhim ako. "I mean, if you want to stay at your condo and rest, I can go there alone. O kaya magpapasundo ako kay Vea. For sure she will fetch me." I shrugged.
"Really? Wala kang balak isama ang boyfriend mo? Wala kang balak isama ako?" Pabagsak ang boses na tanong niya.
Napaawang ang labi ko at itinikom 'yon para pigilan ang nagbabadyang pagngisi sa kaniya.
"You're so damn clingy, Zaimon." Naiiling kong sambit at sumandal sa sandalan ng silyang kinauupuan. Humalukipkip ako at tiningnan siya, we're already done eating and we're just talking about this thing.
"So? Is it wrong to be clingy to my girlfriend?" He asked innocently that made me gasp in astonishment.
"You're so unbelievable, Zaimon."
After we ate our dinner at the mall we went to a grocery store to buy some stuffs and groceries for his condo. At kahit namimili kami ay hawak-hawak niya ang aking kamay na animo'y para akong bata na pwedeng mawala sa grocery store na ito. Napapairap na lang ako lalo pa kapag sumisingot siya kapag may nakikitang nakatingin sa aking lalaki. I don't know what's with them, tho.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 1: Zaimon Luther Suarez
Любовные романы𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. [ 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 ] Date Posted: March 25, 2022 Also available on: Dreame Yugto Readoo Novelah StoryOn ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮�...