Nagising ako sa sunod sunod na tilaok ng manok. Kinusot kusot ko muna ang mata ko at mula sa bintana napansin kong madilim pa. Kagabi at hanggang ngayon sobrang lamig pero dahil sa kapal ng kumot kahit papaano na lessen ang lamig na nararamdaman ko.
Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa nasa gilid lang ng kama ko.
5:30 am pa lang pala, at ang aga ko nagising. Usually nung nasa manila ako minsan 11 am minsan hapon na ako naigising especially during summer vacation. I was surprise na magising ako ng ganito ka aga. Binuksan ko ang data ng phone ko at maya-maya pa ay sunod-sunod na pumasok ang message galing sa mga kaibigan, nagpaplano silang pumunta ng Batangas for swimming. Tinanong din nila ako kung sasama ako, pero wala akong panahon para replyan sila. Isa sa napansin ko malakas ang signal ng internet dito, unlike the other provinces na pahirapan makahagilap ng signal.
Since maaga pa at sobrang lamig umidlip muna ako.
Napabalikwas ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sabi ko kanina iidlip lang ako. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras and it's already 8:30 in the morning. Bumangon muna ako para tingnan kung sino ang kumatok.
Nang binuksan ko ang pinto nagulat ako ng bumungad akin ang hindi maipinta ang mukha ni Katya. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa, ano ba problema nya. Kagabi pa sya ganito ang trato nya sa'kin.
"Mag-aalmusal na daw sabi ni Tatay," sabi nya sabay irap.
Sarap dukutin ang mata.
"Sige salamat, mag hihilamos lang ako," mahinahon na saad ko.
"Bilisan mo, wag mong pinag-aantay ang pagkain," sabi nya sabay talikod at umalis na.
Sinarado ko muna ang pinto, at nag madaling tumungo sa banyo para mag hilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, I notice my eyes, wala akong eyebags, and I look fresh. Ilang linggo ako walang ayos na tulog dahil sa problema ng mga magulang ko. I'm sensitive any situation, as soon as possible I do my best para kahit papaano nakatulong ako, that's why nung sinabi ni Mama na sa dito muna ako kay tito pumayag agad ako, kaysa mag stay ako dun e lubog kami sa utang. Araw araw ay may naniningil sa bahay, kaya ang buhay na kinasanayan ko simula bata ay unti-unting nawala. Our maids, drivers and guards tinanggal ni Mama dahil wala na ding pampasahod.
Tinapos ko na ang paghihilamos ko at bumaba na rin ako, naabutan ko sina tito na kumakain ng kanilang breakfast.
"Alora halika na, mukhang napasarap ang tulog mo ah" bati sakin ni Tito while he sipping his coffee.
Ang bango ng kape, the aroma smells so good, sayang at hindi ako nag kakape.
"Opo tito, hindi mo sinabi sobrang lamig pala dito sa gabi." sabi ko kay tito at umupo sa tabi ni Roi, tumingin ako sa pwesto ni Katya and she's just enjoying her breakfast.
"Naku Alora, mas malamig pa ang panahon dito kapag ber months na" sabi ni Roi habang umiinom ng kanyang kape.
"Alora, kape gusto mo?" alok sakin ni Ate Susan, pero umiling lang ako.
"Salamat na lang po, hindi po ako nag kakape e." nakangiting sagot ko.
I love the smell of coffee pero ayoko uminom, napapaitan kasi ako sa lasa. Kita ko din kasi na hindi sila mahilig sa instant coffee dito, black coffee ang tinitimpla nila.
"Arte" rinig kong bulong ni Katya.
Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ako ng pagkain.
"Nga pala Alora aalis kami ni Tatay, pupunta kami sa taniman ng niyog. Sama ka? pero pwede din na dito ka muna para makapag pahinga, ipapasyal ka na rin ni Katya."
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
General FictionUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...