Chapter 31

47 4 0
                                    


"Condolence, Alora."

Every person passing on me says those words. I just nod and smiled.

Katatapos lang ng libing ni Ice kaya marami na rin ang nagsi-uwian. Iilan na lang kaming nanatili dito. Rave is on my lap, nakatulog sya sa balikat ko sa sobrang pagod. Simula nang mawala si Ice hindi na sya tumigil kaka-iyak hangang sa makatulugan nya na.

After few hours we decided to leave the cemetery. Nahihirapan akong buhatin si Rave papunta sa sasakyan kaya binigay ko muna sya kay Myla.

"What's your plan now?" Mama asked.

"What do you mean?" balik kong tanong.

It's been a week since Ice burial kaya presko pa sa ala-ala naming lahat ang pagkawala nya. Simula rin 'nun hindi na ako lumalabas ng bahay. Ewan ko ba, bakit patuloy ko pa rin kinukulong ang sarili ko.

"You want to work?"

"Ma, kakamatay lang ng asawa ko. Pwedi bang huwag muna natin pag-usapan yan?" inis ko sambit.

"I know. But as you can see, unti unti nang nagsi-alisan ang mga investors ng mga Sarmiento. And Alliana and Dom didn't mind it. For sure baka maapektuhan ang business natin." she said.

"What do want? Gusto mong unahin nila ang negosyo kaysa magluksa sa pagkamatay ng anak nila?"

"Of course not. Ang akin lang, dahil sa ginawa nila naapektuhan na rin ang negosyo natin."

"My God, Mama. All this time ngayon mo pa talaga sinasabi yan! Kung ako ba ang nawala uunahin nyo pa ang negosyo kaysa pagluksaan ako?!"

This time napatayo na ako sa kina-uupuan ko. Hindi ko na rin matiis ang mga binibitawang salita ni Mama. She's so insensitive. Hindi talaga nagbago. Mas lumala pa.

"Alora, hindi mo naintidihan-"

"Buong buhay ko inintindi ko kayo! Kaya huwag mo sabihin sa'kin na hindi ko kayo inintindi!"

"I know that, anak. Please calm down. I'm sorry, sa susunod na araw na lang ako babalik." she said and walk away.

Napahawak ako sa sintido ko at huminga ng malalim. I thought she's here para damayan ako sa pagluluksa. Yun pala concerned sya sa negosyo.

Negosyo, negosyo. Putanginang negosyong yan! Dahil dyan naging mesirable ang buhay ko.

Days pass like how the sun rise and set. Sobrang bilis na hindi ko man namalayan ang paglipas. Sa mga araw na 'yon mas nag focus ako kay Rave dahil wala na si Ice na laging nasa tabi nya.

I heard from Mama that Sarmiento Construction business slowly drown. Balak na nga pakawalan ng magulang ni Ice dahil balak na nilang manirahan sa ibang bansa. Isa ang Sarmiento Construction and Development sa malaking construction company sa bansa.

They hold different hotels, condos, housings and resorts. Si Ice ang namahala nang makapagtapos sya sa kursong Civil Engineering. Malaki ang tiwala nang mga businessmen kay Isaac kaya ngayon na wala na sya mahihirapan ang Sarmiento's panindigan ang itinayo ni Isaac na magandang connection mula sa mga clients.

Kahit nandyan ang mga magulang ni Isaac, wala pa rin kasi sa tamang condition ang mga ito. Masyadong mahirap sa kanila ang makapag simula ulit. Simula kasi nang ma-ospital si Isaac, pinahawak nila kay Dexter-pinsan ni Isaac- ang kumpanya at dahil hindi rin sya ganun ka-galing mag handle katulad ni Ice kaya maraming clients ang nagsi-alisan dahil mas nagtitiwala sila kay Isaac kaysa kay Dexter.

Nabalitan ko rin kasi 'nung unang pinaka malaking project na si Dexter ang humawak ay bumagsak daw 'yung building dahil naloko sila ng bagong engineer na si Dexter din ang naghired.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon